Deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, hiniling ng CBCP sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total reads

Umaapela ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP -ECMI) sa pamahalaan na magpatupad ng deployment ban ng mga Overseas Filipino Worker sa Kuwait.

Bukod sa deployment ban, hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang administrasyong Duterte na obligahin ang pamahalaan ng Kuwait na ipatupad ang kasunduang nilagdaan noong nakalipas na taon para sa pagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker.

Ayon kay Bishop Santos, dapat parehong matiyak ng pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng Filipina sa kamay ng isang airport security personnel sa Kuwait.

Iginiit ng Obispo na bukod sa pagtulong at pagbibigay ayuda ay kailangang matiyak ng Pilipinas ang implementasyon sa napagkasunduan ng dalawang bansa upang matigil na ang pang-aabuso sa mga OFW.

“Both government must see to it that the suspected rapist-in-uniform must be prosecuted, punished; Justice must be served to our con national. All necessary assistance and help should be extended to her. And we must be ready to enforce deployment ban, as she was second victim after the brutal death of Constancia Dayag.” pahayag ni Bishop Santos.

Binigyang diin ni Bishop Santos na ang panibagong kaso ng pang-aabuso sa OFW ay malinaw na paglabag sa kasunduang nilagdaan ng Kuwait at Pilipinas sa pangangalaga sa kapakanan, kaligtasan at pangangalaga sa karapatan ng mga manggagawang Filipino.

“As our Filipina household service worker is raped, is cleared violation of the agreement between our country and Kuwait for the protection of OFWs. The Kuwait government must show political will to ensure the safety and security of our OFWs, and rights are promoted and respected.” Paninindigan ni Bishop Santos

Naninindigan din ang Obispo na nararapat na mahuli at maparusahan ang 22-taong gulang na suspek na kinilalang si Fayed Naser Hamad Alajmy na dumukot at gumahasa sa OFW.

Pebrero ng nakalipas na taon ng ipatupad ang total deployment ban ng mga OFW sa Kuwait matapos ang kalunos-lunos na pagpatay sa Filipinang si Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng isang freezer.

Mayo taong 2018 ng binawi ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang total deployment ban matapos na lagdaan ng pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait ang isang kasunduan na naglalayong mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW sa Kuwait.

Nakapaloob rin sa kasunduan ang pagkakaroon ng special police unit na magsisilbing katuwang ng Embahada ng Pilipinas sa pagsasagawa ng rescue operations at pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangang OFW.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 34,856 total reads

 34,856 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 70,803 total reads

 70,803 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 297,073 total reads

 297,073 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 190,541 total reads

 190,541 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 282,717 total reads

 282,717 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top