Dicastery for Communication of the Holy See, nagpahayag ng suporta sa PCRI ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 628 total reads

Nagpahayag ng suporta at pagkilala ang Dicastery for Communication of the Holy See sa inilunsad na Pastoral Communication Research Institute ng Diocese of Kalookan na naglalayong palakasin ang misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng mabuting salita ng Diyos.

Sa pamamagitan ng isang liham ay ipinaabot ni Theological-Pastoral Department Director Natasa Govekar ang pagkilala at suporta ng Dicastery for Communication of the Holy See sa panibagong misyon at adbokasiya ng Diyosesis ng Kalookan na higit na palaganapin ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pakikinig sa mga saloobin at pangangailangan ng mamamayan.

“On behalf of our Prefect, Mr. Paolo Ruffini, and of the Dicastery for Communication of the Holy See, I wish to extend a sincere appreciation and encouragement for this new mission of the Diocese of Kalookan to open a research institute dedicated to Church’s communication. Especially the focus on the new needs and languages of the people to whom the Diocese instends to address the proclamation of the good news of the gospel of our Lord Jesus Chrust is very much valued.” mensahe ni Govekar.

Ayon sa opisyal ng Vatican, mahalaga ang iba’t ibang inisyatibo at pagsusumikap ng bawat diyosesis at mga lokal na komunidad upang higit na mapag-alab ang misyon ng Simbahan alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco na pakikinig at pakikipagdayalo tungo sa ganap na pakikipag-ugnayan sa bawat isa.

“Indeed, we consider very important for the Church that dioceses and local communities respond with creativity and commitment to call for listening and dialogue that Pope Francis never ceases to repeat, especially at this time when the universal Church is rediscovering its synodal nature,” dagdag pa ni Govekar.

Unang inihayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang konsepto ng Pastoral Communication Research Institute na inilunsad ng diyosesis ay tugon sa panawagang synodality ng Santo Papa Francisco.

Gayundin sa kultura ng pakikipagdayalogo upang magabayan ang Simbahan na higit na maging epektibong tagapagpalaganap ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pagwaksi ng anumang kasinungalingan partikular na ang disinformation sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 30,283 total reads

 30,283 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 61,555 total reads

 61,555 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 139,580 total reads

 139,580 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 233,807 total reads

 233,807 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 293,224 total reads

 293,224 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,077 total reads

 22,077 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top