DILG,DOT at DND, lumagda sa isang convergence program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,812 total views

Nagsanib-pwersa ang Department of the Interior and Local Government, Department of Tourism, at Department of National Defense upang tiyakin ang kapayapaan at mapaunlad ang turismo sa Mindanao.

Sa ginanap na seremonya sa Zamboanga City, nilagdaan nina Interior Secretary Benhur Abalos, Tourism Secretary Christina Frasco, at Defense Secretary Carlito Galvez Jr., ang Memorandum of Agreement na titiyak sa kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa rehiyon.

Ayon kay Abalos, ipinakikita ng bagong convergence program sa pagitan ng tatlong kagawaran ang dedikasyon at pagnanais ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapaunlad sa mga pamayanan at lugar sa Mindanao.

“Through this convergence, the DILG commits to ensuring that our local police are properly deployed in tourist destinations. I also call on our local government units to formulate their local tourism plan. Engage civic organizations in your localities to collaborate and work together with the local government units (LGUs) and other non-government organizations (NGOs) in promoting tourism developmental projects.” pahayag ni Abalos.

Binigyang-diin ng kalihim na malaki ang potensyal na patuloy na umunlad ang turismo sa rehiyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga community-based tourism programs.

Mayaman ang Mindanao hindi lamang sa kultura, kun’di maging sa magaganda at makasaysayang tanawin na magiging kapaki-pakinabang sa pagpapasigla ng turismo, at hanapbuhay sa mga pamayanan.

“What we need to do is to ensure peace and order. Kapag payapa, tahimik at ligtas ang isang lugar, dadayuhin iyan ng mga turista and that is what this convergence program is all about.” dagdag ni Abalos.

Sa panig naman ng simbahan, isinusulong ng Caritas Philippines ang Alay para sa Katarungan at Kapayapaan na kabilang sa Alay Kapwa Legacy Stewardship Program.

Layunin ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ipalaganap ang maayos na ugnayang pulitikal, paggalang sa karapatang pantao, at pagsusulong ng kapayapaan sa bawat pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 33,930 total views

 33,930 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 61,935 total views

 61,935 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 79,735 total views

 79,735 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 78,385 total views

 78,385 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 188,293 total views

 188,293 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,364 total views

 11,364 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top