Diocese ng Borongan, hinati ang natitirang pondo sa pagtulong sa mga apektado ng bagyong Ambo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 938 total reads

May 17, 20201, 2:21PM

Hinangaan ng obispo ng Diyosesis ng Borongan sa Eastern Samar ang matatag na pananampalataya ng mga mamamayang labis naapektuhan ng nagdaang bagyong Ambo.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Crispin Varquez, itinuring nitong super typhoon ang nagdaang bagyo batay na rin sa iniwang epekto nito lalo na sa northern part ng diyosesis kung saan nasira ang ilang simbahan, mga bahay at establisimiyento.

Aniya, bagamat doble ang hirap ng mamamayan sa mga hardly hit areas sa lalawigan, nakikitaan pa rin ito ng matibay na pananalig sa Diyos.

“Doble ang hirap ng mga tao dito (Eastern Samar), pero we have to move on we have to continue sabi nga ng mga tao, magpasalamat pa rin tayo sa Diyos na buhay tayo; ‘yan ang beauty ng people who have faith hinangaan ko sila,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council mahigit sa isandaang libong indibidwal ang lumikas partikular sa Samar upang makaligtas sa hagupit ng bagyo na maihalintulad sa bagyong Yolanda na nag-iwan ng labis na pinsala sa lalawigan.

Sinabi ni Bishop Varquez apat na indibidwal ang kumpirmadong nasawi sa nagdaang bagyo habang patuloy pa rin ang assessment ng social action center ng diyosesis upang matukoy ang lawak ng pinsala lalo sa mga simbahan.

Ibinahagi din ng Obispo ang labis na pinsala ng simbahan ng San Ramon Nonato Parish sa bayan ng Arteche at kabilang sa siyam na parokyang naapektuhan ng bagyo sa pitong munisipalidad ng Eastern Samar.

Dahil sa kasalukuyang pandemyang naranasan ng buong daigdig, humiling panalangin ang obispo para sa mamamayan sa lugar at sa iba pang apektado ng bagyo na labis din ang paghihirap dahil sa kawalan ng sapat na kita.

“Patuloy n’yo po kaming ipanalangin; sa mga taong gustong tumulong lang po alam ko naman ang hirap na rin ang mga tao ngayon ngunit gustong tumulong, you can bring your assistance sa mga victims,” dagdag pa ni Bishop Varquez.

Inihayag ng obispo na hindi rin maaasahan sa kasalukuyan ang pamahalaan lalo’t malaki na ang nagastos at nagsagawa na rin ng re-alignment sa pondo upang tulungan ang mga Filipinong nahirapan dahil sa pandemic COVID 19.

Sinisikap ng diyosesis na paghati-hatiin ang nalalabing pondo ng social action center para sa mga biktima ng bagyo upang maibsan ang paghihirap ng mga tao sa rehiyon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 654 total reads

 654 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,359 total reads

 5,359 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,390 total reads

 43,390 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,661 total reads

 269,661 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 163,127 total reads

 163,127 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,877 total reads

 256,877 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top