Diocese of Bayombong, nag-alay ng panalangin sa mga naapektuhan ng sakuna sa Region 2

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 918 total reads

Nag-alay ng panalangin ang Diocese ng Bayombong, Nueva Vizcaya para sa mga sinalanta ng bagyong Rolly at Ulysses maging sa mga nalubog sa malawakang pagbaha sa Region 2.

Ayon kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, bagamat hindi gaanong matindi ang iniwang pinsala ng mga nagdaang sakuna sa Diocese ay natagpuan naman mula sa isinagawang retrieval operations ang ilang katawan ng tao na nasawi at natabunan dahil sa landslide.

Dagdag pa ng Obispo na nakikipagtulungan naman ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Nueva Vizcaya sa pagbibigay ng mga pagkain para sa mga nasalanta ng bagyo habang mamamahagi naman ng mga damit at hygiene kits ang Diocese.

Ikinalungkot naman ni Bishop Mangalinao ang nangyaring malawakang pagbaha sa Archdiocese ng Tuguegarao, Cagayan at Diocese ng Ilagan, Isabela na nagdulot ng matinding epekto sa mga pamilya at residente at pagkasawi ng ilan sa mga ito.

Dahil dito, panawagan ng Obispo ang karagdagang tulong upang maipamahagi sa mga lubhang naapektuhan ng mga matinding pagsubok dahil sa iba’t ibang sakuna.

“Kaya lang sana, ako on behalf on this two bishops, please can we call on assistance? Talagang kami’y hirap na rin dito. Pero salamat sa Diyos may mga damit kaming mga naiipon na pwede naming ipadala agad sa mga tao,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinapanalangin din ng Obispo ang kaligtasan ng bawat isa mula sa mga nararanasang sakuna gayundin ang makapulot ng aral sa mga pangyayaring ito na pahiwatig ng pagmamakaawa at panawagan ng kalikasan upang ihinto na ang pagsira dito.

Panalangin ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao

“God, our Loving Father, of this time of our lives, we our very much aware of Your gift of life, of Your gift of environment, of Your gift of nature.

From everything that is happening around us, You are telling us something about life, about nature. Kindly help us to understand. Kindly help us to have an open mind and heart to whatever lessons we need to learn from these calamities happening in our land.

Dalangin po namin, Panginoon na matuto kami at sa kaalamang taglay, tulungan Mo kaming tumulong nang masigla, masaya sa abot ng aming kaya sa mga taong ngayon pong oras na ito ay nangangailangan.

Batid po naming kami’y magkakapatid, kami’y magkakaisang puso at diwa at pananampalataya. Kaya Panginoon, ang aming mga kamay, aming mga paa, ang puso, ang mata [ay] maging kamay Mo, puso Mo, paa Mo, mata Mo, para abutin ang lahat ng nangangailangan sa sandaling ito.

Habang kami’y nagpapasalamat na kami ay nakaligtas, gawin Mo po ang puso namin ay maging mapagbigay naman sa mga hindi pinalad tulad namin.

Ang lahat ng ito po’y aming hiling sa pangalan ni Hesu-Kristo kasama ng Espiritu-Santo magpasawalang hanggan.

Amen.”

Batay sa huling ulat ng Armed Forces of the Philippines, umabot na sa 24-katao ang nasawi, habang 13 naman ang nawawala sa nangyaring malawakang pagbaha sa Cagayan Valley dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa Magat dam sanhi ng bagyong Ulysses.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,405 total reads

 59,405 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,466 total reads

 163,466 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 200,254 total reads

 200,254 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 230,829 total reads

 230,829 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 276,802 total reads

 276,802 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,517 total reads

 57,517 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top