Diocese of Borongan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng Paring anti-mining advocate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,726 total views

Nagdadalamhati ang Diyosesis ng Borongan sa pagpanaw ni Fr. Alejandro “Alex” Galo, na kilala sa paninindigan laban sa operasyon ng pagmimina sa Eastern Samar.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, ang 66 taong gulang na pari ay sakay ng kanyang motorsiklo nang mabangga ng paparating na sasakyan bandang alas-8 ng umaga, nitong Miyerkules sa Barangay Naubay, Llorente, Eastern Samar.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Llorente Municipal Police District ang babaeng driver na nakabangga kay Fr. Galo.

Sa inilabas na pahayag ng Diyosesis ng Borongan, hiniling ni Diocesan Chancellor Fr. James Abella ang panalangin para sa kapayapaan ng kaluluwa ni Fr. Galo.

“We ask for your prayers during this difficult time as we honor the life and legacy of a remarkable servant of God… Let us come together in prayer, remembering Fr. Alex in our hearts and asking for God’s comfort for all who mourn his loss,” ayon kay Fr. Abella.

Kilala si Fr. Galo bilang matapang at mariing tumututol sa pagmimina sa lalawigan, na inilaan ang paglilingkod sa pagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa mga usaping pangkalikasan at karapatan ng mga pamayanan.

Dahil sa kanyang adbokasiya, naranasan ng pari ang paninirang-puri, panggigipit, at maging pagbabanta buhay.

Bago ang kanyang pagpanaw, si Fr. Galo ang namamahala sa Commission on Church Properties at Commission on Cemeteries ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,292 total views

 56,292 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,161 total views

 52,161 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,363 total views

 88,363 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,783 total views

 96,783 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,412 total views

 121,412 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top