Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Cubao, tutol na gawing FPJ avenue ang San Francisco del Monte avenue

SHARE THE TRUTH

 88,513 total views

Nagpahayag ng pagtutol ang diyosesis ng Cubao sa Senate bill 1822 o pagpapalit ng pangalang San Francisco del Monte Avenue bilang Fernando Poe Junior Avenue.

Sa opisyal na pahayag ng diyosesis, hinimok nito ang mga mambabatas at senador na balikan ang kasaysayan dahil dito nag-uugat ang tunay na pagkakakilanlan ng isang lugar gaya ng Quezon City.

“The Diocese of Cubao expresses our opposition to the proposed renaming of Del Monte Avenue. The name “Del Monte Avenue” has tremendous historical, religious, and cultural significance associated with it, especially for Quezon City.” bahagi ng opisyal na pahayag ng Diyosesis.

Taong 1590 pinangalanan ng santong si San Pedro Bautista ang kauna unahang lugar sa quezon city na san Francisco del Monte nang magtatag siya dito ng simbahan at retreat house ng mga Franciscano.

Ipinangalan ito kay San Francisco ng Asisi at dinagdagan ng katagang del Monte dahil sa bulubundukin noon ang lugar na ito sa Quezon city.

Inihayag naman ng diyosesis ang pagkilala nito kay FPJ bilang national artist subalit nanindigan ang simbahan na hindi dapat baguhin ang pangalan ng del Monte Avenue.

“While we laud the achievements of the late Fernando Poe, Jr, we cannot agree to cast into oblivion the name of the street around which a community has built its historical, religious, and cultural heritage. Other streets connected to Fernando Poe, Jr. can be considered to be renamed after him. Keep Del Monte Avenue as Del Monte Avenue.” Pahayag pa ng Diyosesis.

Matatandaang una nang tinutulan ng Order of Friars Minor o mga Franciscano ang Senate bill 1822 dahil si San Pedro Bautista mismo ang nagtatag at nagpalaganap ng kongregasyong ito sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 31,195 total views

 31,195 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 43,506 total views

 43,506 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »

Mapaminsalang dredging sa Abra River

 54,766 total views

 54,766 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng marami sa atin sa mga maanomalyang flood control projects, may nagaganap na dredging operations sa bukana

Read More »

Pandaraya sa mga magsasaka

 64,706 total views

 64,706 total views Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat

Read More »

Pera ng taumbayan para sa taumbayan

 75,137 total views

 75,137 total views Mga Kapanalig, pumasá na sa third and final reading ang House Bill No. 4058 o ang bersyon ng House of Representatives ng 2026

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 205,175 total views

 205,175 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 149,021 total views

 149,021 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top