Diocese of Malaybalay, kinundena ang pagpatay sa isang Pari ng diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 697 total views

Kinundina ng Diocese of Malaybalay ang karahasang sinapit ni Rev. Fr. Rene B. Regalado na nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin ang kanyang sasakyan noong ika-24 ng Enero.

Kaisa ng naiwang mga kaanak ni Fr. Regalado ay nananawagan ng masusing imbestigasyon ang diyosesis upang mabigyang katarungan ang karumal-dumal na pagkamatay ng Pari.

Ayon sa tagapagsalita ng diyosesis na si Rev. Fr. Virgilio H. Delfin, ganap na alas-syete y medya ng gabi noong Linggo, ika-24 ng Enero ng may marinig na mga putok ng baril ang mga Pari sa Malaybalay Carmel Monastery sa Pal-ing, Patpat, Malaybalay City na agad na itinawag sa mga pulis upang maimbestigahan.

Pasado alas-otso y medya ng dumating ang mga pulis sa lugar at makita ang pinangyarihan ng krimen.

Dumating naman ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) pasado alas-dose ng madaling araw habang ala-una-dyes ng umaga ng nadala ang katawan ng Pari sa punenarya kung saan isasagawa ang autopsy ng SOCO Regional Office.

Dinala naman sa Philippine National Police Headquarters sa Malaybalay City ang sasakyan ni Fr. Regalado upang makapagsagawa ng mas masusing imbestigasyon.

Pagbabahagi ni Fr. Delfin, nasasaad sa inisyal na imbestigasyon na ala-una ng hapon ng umalis ng seminaryo si Fr. Regalado at pabalik na sana sa St. John XXIII College Seminary kung saan siya nanunuluyan ng maganap ang insidente.

Si Fr. Rene Regalado ay nagtapos ng theological studies sa St. John Mary Vianney Theological Seminary sa Camaman-an, Cagayan de Oro City; nagtapos ng seminary formation sa St. John XXIII Pre-College at College Seminaries sa Malaybalay City.

Naordinahan itong Pari noong October 18, 2007 sa ilalim ni Malaybalay Bishop Emeritus Honesto Pacana, SJ.

Attachment:

DIOCESE OF MALAYBALAY –
OFFICIAL STATEMENT ON THE UNTIMELY DEATH OF OUR BROTHER, REV. FR. RENE B. REGALADO

The Diocese of Malaybalay with its Clergy, Consecrated Persons and Lay Faithful especially the Regalado Family in San Jose Parish, Sinayawan, Valencia City are deeply wounded and saddened with the news of the untimely passing to eternal life of one its clergy, REV. FR. RENE B. REGALADO.

We express our deepest sympathy to his immediate family and supplicate to the Lord of Life that justice will be served to the perpetrators of this heinous crime without compromising the Lord’s gift of mercy. Initial information gathered revealed that at around 7:30 in the evening of January 24, 2021, gunshots were heard at the road near the Malaybalay Carmel Monastery in Pal-ing, Patpat, Malaybalay City which prompted the priest at the Monastery to call for police assistance to verify what had happened. Fr. Regalado’s car indicated that he was going back to the St. John XXIII College Seminary where he was staying.

He was in the city in the afternoon, meeting someone whom he did not indicate when he informed his companions at the seminary before he left at around one o’clock in the afternoon. Between 8:30 – 9:00 in the evening, the 1st responders from the Malaybalay City Police Force arrived at the scene and conducted an initial investigation.

At around 12:00 midnight, the Scene of the Crime Operatives (SOCO) arrived. At around 1:10 in the morning of January 25, 2021, the body of Fr. Regalado was picked up by Villanueva Funeral Homes for attention to avoid decomposition and to be ready for the needed autopsy. The SOCO Regional Office will conduct the autopsy today. Meanwhile, the car that was used by Fr. Regalado was brought to the Philippine National Police Headquarters in Malaybalay City for further investigation, gathering and securing of evidence.

The official investigation to the case is on-going. We are waiting for further official findings and details. After the needed autopsy, Fr. Regalado will be laid at the San Isidro Labrador Cathedral, Malaybalay City for the wake before he will be buried at the Malaybalay Catholic Cemetery on the date to be decided both by the Diocese of Malaybalay and his immediate family. For those who want to visit him and his family at the Cathedral as soon as the wake is ready, we request that the pandemic protocols be strictly observed.

Fr. Rene Regalado was ordained to the Priesthood on October 18, 2007 with the laying on of hands of the Most Rev. Honesto Ch. Pacana, S.J, D.D., now our bishop emeritus. He finished his baccalaureate degree in Theology at San Isidro College and his pre-college and college seminary formation at St. John XXIII Pre-College and College Seminaries in Malaybalay City. He finished his theological studies at the St. John Mary Vianney Theological Seminary in Camaman-an, Cagayan de Oro City.

We request everyone to offer prayers for the repose of the soul of Fr. Rene B. Regalado, for the consolation of his immediate family and the Clergy, for the immediate results of the investigation and that justice will be served to whom it is due. We put our full trust on the Divine Mercy, the loving intercessions of Our Lady of Mercy and that of our patron, San Isidro Labrador. May the soul of Fr. Rene rest in peace and that God’s peace will continue to be with us.

Prepared by: (SGD.) REV. FR. VIRGILIO H. DELFIN Official Spokesperson
January 25, 2021, Feast of the Conversion of St. Paul

Approved by:
(SGD.) REV. MSGR. NOEL P. PEDREGOSA, STL Diocesan Administrator

SONA ng Sambayanan 2026, isasabay sa SONA ni PBBM

 358 total views

Iginiit ni Bishop Efraim Tendero, Global Ambassador ng World Evangelical Alliance, na layunin ng SONA ng Sambayanan 2026 na maiparating ang tunay na kalagayan at hinaing ng mamamayan kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay Tendero, ang SONA ng Sambayanan ay hindi isang pagkilos upang maghasik ng kaguluhan o pagkakahati-hati, kundi isang mapayapang pagkakataon upang marinig ang boses ng mga ordinaryong Pilipino mula sa iba’t ibang sektor at panig ng bansa.

“Ang SONA ng Sambayanan ay ang pagpapahayag ng mga tao para sa kanilang kalagayan, para sa kanilang pagnanasa, para sa kanilang kahilingan, para sa magandang kinabukasan ng ating bayan. Hindi ito panggulo, hindi ito pagkakahati-hati, kundi nagkakaisa tayo na ipahayag ang ating damdamin at ang tunay na kalagayan ng ating lipunan,” pahayag ni Tendero sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng Evangelical Bishop na mahalagang mailahad ang kalagayan ng mga nasa kanayunan, mga maralitang pamilya, manggagawa, at iba pang sektor na patuloy na nakararanas ng kahirapan at kakulangan sa batayang serbisyo.

Aniya, ang panawagan ng SONA ng Sambayanan ay hindi lamang para sa Metro Manila kundi para sa lahat ng komunidad sa buong bansa.

Kasabay nito, hinimok ni Tendero ang mamamayan na samahan ng panalangin ang kanilang paninindigan upang gabayan ng Diyos ang mga namumuno at maisulong ang mabuting pamamahala.

“Lumapit tayo sa Diyos, manalangin, at hingin ang Kanyang gabay at patnubay upang ang mga namamahala sa atin ay gampanan ang kanilang tungkulin, masansala ang kasamaan, at mabigyang pagkilala ang gumagawa ng mabuti,” ani Tendero.

Binigyang-diin din ng opisyal ng World Evangelical Alliance na ang pamumuno at politika ay isang pananagutang nakatuon sa paglilingkod at hindi sa pansariling interes.

“Ang ating pamamahala at ang politika ay hindi hanapbuhay, ito ay nagbibigay-buhay. Ang ating panawagan ay mamuhay tayo nang may dangal, kaayusan, katarungan, at kapayapaan sa ating bayan, bunga ng pagkatakot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa at sa Pilipinas,” dagdag ni Tendero.

Ang nakatakdang SONA ng Sambayanan ay pangununahan ng Inter-Religious Leaders’ Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM).

Hindi sapat na bahagi lamang ng buhay ng tao si Hesus, kundi dapat siya ang sentro

 605 total views

Hinimok ng Canadian theologian at co-founder ng Catholic Christian Outreach (CCO) na si André Regnier ang mga mananampalataya na huwag manatili sa kaalamang pangkaisipan si Hesus kundi magpasya ng personal na tugon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paglalagay kay Kristo bilang sentro ng kanilang buhay.

Sa bahagi ng Prayer Pathways sa unang araw ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), ipinaalala ni Regnier na bagama’t mahalagang maunawaan ang katauhan ni Hesus at ang Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi sapat ang paghanga o paniniwala mula sa malayo upang magkaroon ng tunay na ugnayan sa Panginoon.

“It is essential that we understand who Jesus is and what He has done for us. But knowing these truths intellectually is not enough. Simply believing them from a distance is not enough,” Bahagi ng pahayag ni Regnier.

Upang higit na maipaliwanag ang kahalagahan ng personal na pagtugon sa paanyaya ni Kristo, ibinahagi ni Regnier ang karanasan noong araw ng kanyang kasal kung saan hindi naging ganap ang kanilang tipan ng kanyang asawa hangga’t hindi nito naipapahayag ang salitang “I do” sa ilalim ng sakramento ng kasal.

Ayon kay Regnier, tulad ng pag-aasawa, nangangailangan din ng malayang pagtugon ang pakikipagkaibigan kay Hesus.

“Jesus has already offered us His friendship. The question is: Will we say yes?” Dagdag pa ni Regnier.

Hinamon din nito ang mga dumalo na suriin ang kanilang espirituwal na kalagayan sa pamamagitan ng pagtatanong kung si Hesus ba ay bahagi lamang ng kanilang buhay o tunay nang nasa pinakasentro nito.

“I’m not asking whether you’re a perfect Christian. I’m asking something much deeper. Where is Jesus in your life? Is He simply a part of your life? Or is He truly at the centre of your life?” Ayon pa kay Regnier.

Binigyang-diin din ni Regnier ang pahayag ni Pope Benedict XVI na nagsasabing walang mawawala sa sinumang magbubukas ng kanyang puso kay Kristo kundi sa halip ay matatanggap ang ganap na buhay.

“If we let Christ into our lives, He takes nothing away, and He gives you everything… Open wide the doors to Christ, and you will find true life,” pagbabahagi niya mula sa turo ng dating Santo Papa.

Kasunod nito ay inimbitahan ni Regnier ang mga kalahok na personal na ialay ang kanilang buhay sa Panginoon sa pamamagitan ng Prayer of Commitment, kung saan sama-samang idinalangin ang pagtanggap kay Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng kanilang buhay.

Nagtapos ang sesyon sa pamamagitan ng tahimik na panalangin at paghingi ng panibagong paggabay ng Espiritu Santo, habang paulit-ulit na inaanyayahan ang mga kalahok na manalangin ng, “Come, Holy Spirit,” bilang panawagan ng patuloy na pagbabagong-loob at mas malalim na pakikipagkaisa kay Kristo.

Isinasagawa ang Prayer Pathways bilang isa sa mga pangunahing espirituwal na gawain ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na naglalayong akayin ang mga mananampalataya tungo sa mas malalim na personal na pakikipagtagpo kay Hesukristo at panibagong sigla sa misyon ng ebanghelisasyon.

Higit na unawain ang tunay kahulugan ng banal na eukaristiya-Cardinal Tagle sa mananampalataya

 807 total views

Hinimok ng opisyal ng Vatican ang mga mananampalataya na higit na unawain ang tunay na kahulugan ng Banal na Eukaristiya bilang sakramento ng pag-ibig at pagkakaibigan na dapat magbunga ng pagmamahal, malasakit, katarungan, at misyong Kristiyano sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ito ang binigyang-diin ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, sa kanyang plenary reflection sa unang araw ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Ayon sa kardinal, hindi dapat limitado sa mga ritwal at seremonya ang pagtingin ng mga mananampalataya sa Eukaristiya sapagkat ito ang pagpapahayag ng pinakadakilang pag-ibig at pagkakaibigan ni Hesus sa sangkatauhan.

“The Eucharist is the Sacrament of Love. It is the Sacrament of Friendship,” ayon kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pananatili kay Kristo, batay sa panawagang “Remain in me,” ay isang panawagang aktibong pamumuhay ng pag-ibig.

“Remain in Jesus means loving. And love is active,” giit ng kardinal.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay dapat magbunga ng pagbabago sa pakikitungo ng mga mananampalataya sa kanilang kapwa, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

Binigyang-diin ng opisyal na hindi maaaring ihiwalay ang pagsamba sa Diyos sa pananagutang magmahal at magbahagi sa kapwa.

“We cannot celebrate the breaking of the Bread during Mass and then, after Mass, practice the hoarding of bread—keeping everything for ourselves and refusing to share,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Sinabi pa ng kardinal na ang isang tunay na pamayanang eukaristiko ay nakikilala hindi lamang sa maayos na pagdiriwang ng Misa kundi sa paraan ng paggalang, pagmamalasakit, at pakikipagkaibigan sa kapwa.

“Relationships. Friendship. Respect. Compassion. These are the unmistakable marks of a truly Eucharistic community,” saad pa ng kardinal.

Paalala ni Cardinal Tagle na ang Huling Hapunan ay nagsilbing simula ng bagong kasaysayan ng pagkakaibigan sa kabila ng pagtataksil na naranasan ni Hesus.

Aniya, sa halip na gumanti, pinili ni Kristo ang pag-aalay ng sarili upang wakasan ang poot at paghihiganti.

Nagbabala rin si Cardinal Tagle laban sa pagdadala ng makamundong pagtingin sa loob ng pagdiriwang ng Eukaristiya, kabilang ang pagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa personalidad ng mga punong tagapagdiwang o sa mga panlabas na bagay sa halip na nakatuon ang presensya kay Kristo.

Aniya, ang sentro ng Eukaristiya ay si Hesus at hindi ang sinumang pari, obispo, o kardinal.

Tinukoy rin ng kardinal ang pagtatapos ng Misa bilang panawagan sa misyon at hindi lamang simpleng pagtatapos ng pagdiriwang.

“It is not simply dismissal. It is a mission,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Ipinaliwanag niyang ang bawat tumatanggap ng Katawan ni Kristo ay isinusugo upang ibahagi sa kapwa ang Salita ng Diyos, ang pag-ibig ni Kristo, at ang mabuting balita ng kaligtasan.

Binigyang-diin pa ni Cardinal Tagle na ang pagkakaibigang ipinamalas ni Hesus ay dapat ding maging huwaran ng bawat Kristiyano sa pakikitungo hindi lamang sa kapwa at sa sangnilikha.

“Jesus has treated us as His friends. Therefore, let us also treat our fellow human beings, and even the world itself, as our friends,” aniya.

Hinimok ng kardinal ang mga mananampalataya na hayaang hubugin ng Eukaristiya ang kanilang buong pamumuhay at hindi lamang ang kanilang pakikilahok sa Misa.

Dumalo sa unang araw ng PCNE XII ang halos 4, 000 mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 47,675 total views

 47,675 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,966 total views

 75,966 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 121,897 total views

 121,897 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 154,980 total views

 154,980 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 180,207 total views

 180,207 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top