Diocese of Malolos,nagpapasalamat sa pagkilala ng NHCP sa Malolos Cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,040 total views

Nagpapasalamat ang Diyosesis ng Malolos sa pagkilalang iginawad ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica o mas kilala bilang Malolos Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Sa naganap na unveiling ng national historical marker sa katedral, ibinahagi ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang lubos na pasasalamat sa pagkilala sa Malolos Cathedral na nagsilbing dating tahanan at tanggapan o Palacio Presidencial ni dating Pangulong Emilio Aguinaldo na pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ng Pilipinas.

“Maraming salamat po saksi ang katedral at simbahang ito sa mga mahahalagang tagpo sa ating kasaysayan tayo ang nagsilbing tahanan ng ating President Emilio Aguinaldo noong unang republika at ngayon ay buong puso nating tinatanggap ang pagkilala sa makasaysayang lugar na ito.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Villarojo.

Ibinahagi ni Obispo na mahalaga ang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa mahahalagang tagpo sa kasaysayan na nasaksihan ng Malolos Cathedral na isa ring paalala sa katotohanang magkaugnay ang mayamang kasaysayan ng isang bayan sa patuloy na pagpapalago ng pananampalataya sa Maykapal.

“Ito ay tanda na ang Simbahang ito ay lugar ng pananampalataya, pananalangin, pagkakaugnay, pagkakaugat sa malalim na kultura na mayroon tayo at mga makasaysayang kaganapan sa ating bansa. Tauspusong pasasalamat po sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas sa pagkilalang ito sa ating minamahal na simbahan Inmaculada Concepcion ng Lungsod ng Malolos.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Tiniyak naman ni Bishop Villarojo ang patuloy na pangangalaga at pagpapayabong sa misyon ng Malolos Cathedral hindi lamang sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon kundi maging sa paghuhubog sa mamamayan upang patuloy maging tagapagmana ng dakilang kasaysayan ng lalawigan sa pamamagitan na patuloy na pagsusulong ng kalayaan at demokrasya ng bansa.

Nakalimbag sa panandang pangkasaysayan na matatagpuan sa Malolos Cathedral ang mga katagang “Malolos: Landas ng Pagkabansang Pilipino 1898-1899” na kumikilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng Malolos, Bulacan bilang saksi sa pagkabansa ng Pilipinas na kauna-unahang republika sa buong Asya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 13,397 total views

 13,397 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 64,081 total views

 64,081 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 70,210 total views

 70,210 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 99,879 total views

 99,879 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 118,150 total views

 118,150 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top