Benefit concert para sa Talibon Cathedral rehabilitation ilulunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,193 total views

Magsasagawa ng benefit concert ang Diocese of Talibon sa lalawigan ng Bohol para sa pagsasaayos ng Most Holy Trinity Cathedral na labis napinsala ng bagyong Odette noong 2021.

Ang ‘Bangon Simbahang Talibongnon’ ay inisyatibo ng United Servants for Welfare Advancement and Growth (USWAG) Talibon, Inc. katuwang ang Jesuit Music Ministry (JMM) ng Jesuit Communication; Diocese of Talibon, at Limang Siglo.

Tiniyak ng JesCom ang suporta sa pagsasaayos ng simbahan lalo’t isa ang mga Heswita sa nagpapalagap ng kristiyanismo sa lugar nang magmisyon si Jesuit Priest Fr. Juan de Torres noong 1596.

“The legacy of Talibon’s Catholic heritage is not lost on JesCom, which has taken an active role in supporting the cathedral’s restoration by assisting in the staging of the benefit concert meant as a beacon of hope to rally support for the rebuilding efforts,” ayon sa pahayag ng Jesuit Communications.

Sa pagmimisyon ni Fr. Torres sa Talibon pinaigting ito ang pagpalaganap ng pananampalataya at ibinahagi mga turo ng simbahan ayon sa karisma ng mga Heswita na naging daan sa pagkatatag ng Most Holy Trinity Cathedral Church noong 1729.

Itinakda sa July 15, 2023 ang benefit concert sa alas siyete ng gabi na gaganapin sa President Carlos P. Garcia Multi-purpose Center.

Ilan sa mga magatatanghal ang Jesuit Music Ministry kabilang sina Jay Gomez, Toto Sorioso, Rey Malipot, and Michelle Ching-Dungo, kasama si John Basil Dungo ng Bukas Palad Music Ministry, JesCom Associate Director Fr. Ro Atilano, SJ.

Gayundin ang Catholic Comedian Romar Chuca, world-renowned Loboc Children’s Choir, mga local artist ng Talibon at Jeduthun Singing Priests ng Bohol.

Umapela ang JesCom sa mamamayan na suportahan ang konsyerto sa kapakinabangan ng mananampalata sa pagsasaayos ng katedral.

Ang ticket ay nagkakahalaga ng 200 piso hanggang limanlibong piso at maaring makipag-ugnayan kay Jennifer Pojas sa 0917-7061771 o kay Restilou Artiaga sa 0939-1989371.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 4,852 total views

 4,852 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 28,011 total views

 28,011 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 49,286 total views

 49,286 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 221,871 total views

 221,870 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top