Divorce bill, kontra-pamilya, kontra-kasal at kontra kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,001 total reads

Mariing naninindigan ang Simbahang Katolika laban sa pag-apruba ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality sa Senate Bill 2443 o ang isinusulong na Absolute Divorce Bill sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano – executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Public Affairs, hindi mababago ang paninindigan ng Simbahan laban sa tangkang pagpapahina at pagbuwag sa pundasyon ng pagpapamilya sa pamamagitan ng pagsasabatas ng divorce law sa bansa.

Ipinaliwanag ng Pari na ang diborsyo ay kontra-pamilya, kontra-kasal at kontra-kabataan dahil sa negatibong epekto ng panukalang batas sa paghihiwalay ng mag-asawa sa pamilya, lalo’t higit sa mga bata.
“Naninindigan tayo na ang divorce ay hindi kailanman naging pro-family, naging pro-children at saka pro-marriage. Ang diborsyo ay anti-family, anti-marriage at anti-children.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Jerome Secillano sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Pari na dapat na higit pang paigtingin ng mga anti-divorce advocates ang pagsusumikap na maipaliwanag sa taumbayan ang negatibong implikasyon ng pagsasabatas ng diborsyo sa bansa na sa unang pagkakataon ay nakapasa sa committee level ng Senado.

“Nakakabigla naman dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naisulong Senado itong divorce bill atleast sa kanilang committee, dati rati kasi Mababang Kapulungan lang ng Kongreso ang nakagagawa nito kaya naman dapat paigtingin ng mga anti-divorce advocates yung ating mga gagawin para maipaliwanag natin sa taumbayan kung ano ang mga disadvantages nitong divorce.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Binigyan diin ni Fr. Secillano na hindi solusyon sa mga problema at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ang paghihiwalay o diborsyo na siyang magpapahina naman sa pundasyon ng pagkatao ng mga batang mayroong magkahiwalay na magulang.

Paglalahad ng Pari, kinakailangang balansehin ng bawat isa ang pagtingin sa usapin patungkol sa pagsusulong ng diborsyo sa bansa na walang mabuting maidudulot lalo na sa kasagraduhan ng sakramento ng kasal.

“Ang mga nagsusulong ng divorce, sinasabi nila mas maigi na raw ito na maghiwalay na yung mag-asawa kaysa naman nag-aaway at magkakaroon pa ng adverse impact at magkakaroon pa ng adverse impact ang kanilang mga pag-aaway sa kanilang mga anak. Ganun din naman sa diborsyo, marami ding adverse impacts at effects ang pagdi-divorce ng mga magulang sa mga bata, so kinakailangan balansehin natin ang pagtingin natin patungkol dito sa usapin na ito.” Ayon pa kay Fr. Secillano.

Nasasaad sa panlipunang turo ng Simbahan na ang sakramento ng kasal ay hindi lamang isang malalim na tanda o kahulugan ng pagsasama ng mag-asawa sa halip ay nagbibigay ng katangi-tanging grasya o biyaya ng Diyos upang magampanan ng mag-asawa ang kanilang tungkulin sa pamilya at sa lipunan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 52,408 total reads

 52,408 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 102,324 total reads

 102,324 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 222,903 total reads

 222,903 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 273,261 total reads

 273,261 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 398,357 total reads

 398,357 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top