CBCP humiling ng panalangin sa tagumpay ng Synod of Bishops

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,154 total reads

Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa isasagawang Synod of Bishops sa Roma ngayong Oktubre.

Ayon kay CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, mahalaga ang mga panalangin upang maging matagumpay ang pagtitipon ng mga obispo kasama si Pope Francis.

Sinabi ng obispo na natatangi ang Synod of Bishops sa Oktubre dahil sa unang pagkakataon ay kabilang ang mga pari at layko sa pagtitipon upang dinggin ang iba’t ibang hinaing ng mga komunidad at sama-samang gumawa ng hakbang na matugunan ito bilang simbahang naglalakbay tungo sa landas ni Hesus.

“Very important ang prayer brigade, let us pray for the success or the fruitfulness of the Synod,” ani Bishop Vergara sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy din ng opisyal na bukod sa pagdalo ng mga pari, madre at layko ay magkakaroon din ito ng voting power sa mga proceedings ng synod na isang pagkilala sa karapatan ng bawat isang kasapi ng simbahan.

Tiniyak ni Bishop Vergara na asahan ang higit na pakikinig sa mga ihahaing resulta ng synodal consultations sa lahat ng parokya sa buong mundo upang mapabuti pa ang paglilingkod ng simbahan sa nasasakupang kawan.

“I would expect katulad nang dumaan ito sa different phases like yung diocesan phase, saka national at continental phase, there will be alot of listening,” giit ni Bishop Vergara.

Bago magsimula ang Synod of Bishops sa October magkakaroon ng tatlong araw na retreat ang mga dadalo para sa pagninilay at pakikinig sa ninanais ng Diyos sa simbahang naglalakbay sa mundo.

Bukod kay Bishop Vergara dadalo rin sa pagtitipon si CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Theologian Dr. Estela Padilla ang kasalukuyang executive secretary ng Office of Theological Concerns ng Federation of Asian Bishops’ Conferences at consultant ng CBCP Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities.

Magtatapos ang unang bahagi ng Synod of Bishops sa October 29, 2023 habang ang ikalawang bahagi ay sa October 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 56,945 total reads

 56,945 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 153,270 total reads

 153,270 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 197,539 total reads

 197,539 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 220,648 total reads

 220,648 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 293,250 total reads

 293,250 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top