Donasyon na sasakyan ni Alcantara, isasauli ng National Shrine of Our Lady of Salambao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,848 total views

Inihayag ng National Shrine of Our Lady of Salambao – San Pascual Baylon Parish sa Obando, Bulacan na isasauli nito ang sasakyang ipinagkaloob ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) First District Engineer Henry Alcantara, bago masangkot sa imbestigasyon ng katiwalian.

Ayon sa pamunuan ng dambana, tinanggap nila ang Nissan Navara pick-up noong Hunyo 2024 “in good faith” upang magamit sa pilgrimage o pagdalaw ng imahen ng Mahal na Birhen ng Salambao sa iba’t ibang parokya.

“Gayunman, dahil sa mga lumabas na ulat at akusasyon ng katiwalian laban kay G. Henry Alcantara… napagkasunduan naming isauli ang naturang donasyon,” pahayag ng Sangguniang Pastoral ng parokya.

Kumikilos na ang dambana upang maibalik ang sasakyan sa wastong paraan at sa pamamagitan ng angkop na legal na proseso, alinsunod sa tagubilin ng Diocese of Malolos at ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Humingi rin ng paumanhin ang parokya sa publiko sa anumang alalahaning dulot ng donasyon.

“Kung sakaling ito ay nakapagdulot ng alalahanin sa Simbahan at sa sambayanan, kami po ay humihingi ng paumanhin at pinaninindigan namin ang tunay na pagpapahalaga sa katarungan at kung ano ang tama,” dagdag ng pahayag.

Si Alcantara, tubong Bocaue, Bulacan, ay itinalaga bilang district engineer ng first engineering district ng lalawigan noong 2019 sa ilalim ng noo’y DPWH Secretary at ngayo’y Senador Mark Villar.

Kasalukuyan siyang iniimbestigahan kaugnay sa multibillion-peso ghost at substandard flood control projects sa Bulacan, kung saan sinasabing sangkot din ang ilang halal na opisyal ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 62,617 total views

 62,617 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 62,617 total views

 62,617 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 62,617 total views

 62,617 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 60,692 total views

 60,692 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 55,419 total views

 55,419 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top