Makulong ang mga nagkasala sa floodgates scam, hamon ng Pari sa administrasyong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,626 total reads

Nanawagan si Caritas Manila Executive Director Fr. Anton Pascual sa pamahalaan na seryosohin ang mga imbestigasyon laban sa katiwalian upang mapanagot ang mga tiwaling opisyal at maibalik ang tiwala ng mamamayan sa mga demokratikong institusyon.

“Kailangan makasuhan, malitis, makulong ang mga nagkasala, isoli ang ninakaw upang maibalik muli ang tiwala sa kahalagahan ng democratic institutions tulad ng ating pamahalaan,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Iginiit ng pari na hindi lamang pananagutin ang mga sangkot kundi dapat ding ibalik ang mga pondong nilustay upang magamit sa makabuluhang proyekto at programang nakalaan para sa mamamayan, lalo na sa mga dukha.

Binatikos din ni Fr. Pascual ang katiwaliang lumutang sa flood control projects, na nagpapahirap lalo sa mga maralitang Pilipino na pangunahing naaapektuhan ng matinding pagbaha.

“Challenge po sa atin na patuloy magmasid at makialam sa gagawing imbestigasyon ng independent commission dito sa scandal, gargantuan proportion — talagang trilyong piso ang nagastos,” dagdag ng pari.
Sa pagdiriwang ng kapistahan ni Padre Pio, binigyang-diin ni Fr. Pascual ang kahalagahan ng pananalangin at pagkakaisa upang makamtan ang paghilom ng bayan at upang makapaghirang ang sambayanan ng mga tunay na lider na may malasakit at hindi sakim sa kapangyarihan.

“Mahalaga ang panalangin at pagkakaisa ng sambayanan lalo na sa nagaganap ngayon sa ating bansa na naghahanap ng tunay na servant leader,” ani Fr. Pascual.

Bukod sa kanyang tungkulin sa Caritas Manila, si Fr. Pascual ay chaplain din ng Padre Pio Chapel sa Shangri-La EDSA, Mandaluyong, na nagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng 6PM mass kasabay ng kapistahan ng kanilang patron.

Ang mga nalilikom na pondo mula sa kapilya ay napupunta sa iba’t ibang programang panlipunan ng Arkidiyosesis ng Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 23,491 total reads

 23,491 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 129,065 total reads

 129,065 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 215,175 total reads

 215,175 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 285,306 total reads

 285,306 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 317,840 total reads

 317,840 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top