Very loud and clear ang mensahe ng Trillion Peso March!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,660 total reads

Ikinatuwa ng mga opisyal ng simbahang katolika ang pakikiisa ng mga Pilipino sa “Trllion Peso march” sa People Power monument at National Shrine of Mary Queen of Peace o Edsa Shrine.

Pinuri ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, incoming Caritas Philippines President at Arnold Janssen Kalinga Foundation Founder and 2025 Ramon Magsaysay Awardee Father Flavie Villanueva ang natatanging paninindigan ng mga Pilipino sa naging maksaysayang pagmamartsa upang kundenahin ang katiwalian sa bansa.

Patuloy ang paanyaya ni Bishop Alminaza sa mga Pilipino sa paninindigan laban sa korapsyon na patuloy na pinapahirapan ang mga Pilipino.

“Very loud and clear ang sentimiyento. Halos mga kabataan, pero mayroon ding mga kasing edad ko na anduon na nagsasabi ng the same message na sinasabi natin ngayon dito sa Trillion Peso March na dapat pakadaliin ang pagprosecute, paglilitis ng responsable/ mga salarin, at panagutin talaga; yung accountability, at saka isauli ang ninakaw [ang] malaking inutang sa mga biktima at maraming taon na itong nangyayari pala. So ang laking utang ang dapat singilin ng bayan. Kaya tuwa ko na nagkabuklod-buklod tayo, hindi lamang ang simbahan, kundi lahat ng sektor. Ang importante din na ang simbahan ay matuto na makinig, makilahok, at magsuporta sa daing ng taumbayan, sa anyo ng mga [mabubuting tao] ay nanduon ang simbahan, kasi nanduon din ang Diyos, malapit ang Diyos katabi sa mga naghihirap,” pahayag sa radio Veritas ni Bishop Alminaza

Umaasa naman si Fr.Villanueva na sa paninindigan ng maraming Pilipino sa talamak na korapsyon ay mapapabilis ang paghilom ng Pilipinas na lubhang nalugmok dahil sa laganap na katiwalian na kinasasangkutan ng mga mambabatas at opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan,

Iginiit ng Pari na sa buhay kristiyano ay bawal ang magnanakaw at korap.

“Makiisa sa buhay Kristiyano, bawal [ang] magnanakaw, bawal ang korap,at higit sa lahat, ang pananampalataya ay kasama sa pagtindig natin. Tayo’y tumindig upang ang ating bayan ay mahilom at patuloy maging magiting muli,” bahagi ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Villanueva sa Trillion Peso March.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,228 total reads

 233,228 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,959 total reads

 264,959 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,783 total reads

 366,783 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,346 total reads

 407,346 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,380 total reads

 418,380 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 23,510 total reads

 23,510 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top