Trillion Peso march, simula pa lamang ng nagkakaisang pagkilos laban sa corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,366 total reads

Nagpasalamat ang mga convenor ng Trillion Peso March sa libu-libong mamamayan na nakiisa sa panawagan laban sa korapsyon sa People Power Monument sa EDSA, Quezon city.

Tinatayang higit 70,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa pagtitipon, kabilang ang mahigit 83 civil society organizations, mga paaralan, unibersidad, diyosesis at faith communities.

Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, lead convenor ng 𝐂𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡 𝐋𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 𝐟𝐨𝐫 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐂𝐋𝐂𝐍𝐓)- sa kabila ng kawalan ng pondo at labing-isang araw na paghahanda, matagumpay na naisakatuparan ang kilos-protesta na layong papanagutin ang mga tiwaling opisyal at wakasan ang sistemikong katiwalian.

Binigyang pagkilala rin ng convenors sa mga donor, volunteer, performers, ahensya ng gobyerno at lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang makasaysayang pagtitipon.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo na siya ring pangulo ng Caritas Philippines, mahalagang pagkakataon din ang naging pagdalo ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)kasama ang mga taga-Kalookan na lalong nagpatibay sa panawagan para sa katarungan at pagbabago.

“We extend special thanks to Pablo Virgilio Cardinal David, President of the Catholic Bishops Conference of the Philippines, for his inspiring surprise visit, bringing his flock from Kalookan to amplify our voices. None of this would have been possible without God’s guiding hand,” ayon sa inilabas na pahayag ng CLCNT.

Binigyang-diin ng convenors na ito pa lamang ang simula ng mas malawak na pagkilos at nananatili silang nakikiisa sa publiko sa laban upang tuluyang mahinto ang katiwalian sa bansa.

“This miracle has only just begun. It inspires us through the tears, songs, and fervent prayers of those who cried out for justice. It kindles a moral fire in our hearts to eradicate corruption once and for all. Let us nurture this miracle until our demands are fully realized. The battle against this despicable evil of corruption shall continue,” ayon pa sa pahayag ni Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,019 total reads

 232,019 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,750 total reads

 263,750 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,574 total reads

 365,574 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,137 total reads

 406,137 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,226 total reads

 417,226 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top