Mga Pilipino, hinimok ng mga lider ng simbahan na palakasin ang boses laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,563 total views

Pinaalala ng mga lider ng simbahang katolika sa Pilipinas na paigtingin ang pagkakaisa upang hindi humina ang boses ng mga Pilipinong sawang-sawa na sa nararanasang pasakit dulot ng katiwalian sa lipunan.

Ito ang mensahe nina Kalookan Bishop Pabilo Virgilio Cardinal David at Cubao Bishop Elias Ayuban Jr sa isinagawang Trillion Pesos March sa EDSA.

Ayon kay Cardinal David, sa pagkakaisa ng mga Pilipino ay lalong mapapalakas ang boses na labanan ang korapsyon kasama ang pakikiisa ng mga lider ng simbahan.

“Ito ay isang very strong statement sa ating pamahalaan na sawang-sawa na tayo sa katiwalian, palakasin naman natin ang ating demokrasya alang-alang sa kinabukasan ng ating mga kabataan. We deserve something better. Hindi totoong mahirap ang Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas, pero mahirap ang mga Pilipino. Iyun ang isang malaking kabalintunaan na dapat matapos na. So ito po ay statement natin na we deserve a better government,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Cardinal David sa Trillion Peso March.

Positibo naman si Bishop Ayuban na ang pagkilos ay lalung nagpagising sa kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa mga anomalya sa pamahalaan na bagamat madalas nangyayari ay nakakalimutan at napapalagpas lamang.

Ipinaalala ni Bishop Ayuban sa mga Pilipino ang ika-pitong utos ng panginoon na “Huwag kang Magnakaw” na binalewala ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Hinamon ng Obispo ang mamamayang Pilipino na iparinig sa buong sambayanan ang panawagan ng katarungan at pananagutan ng mga sangkot sa anumalya sa flood control projects.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,280 total views

 56,280 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 52,149 total views

 52,149 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,351 total views

 88,351 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,771 total views

 96,771 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,400 total views

 121,400 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top