Donation drive, inilunsad ng Bicol university

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,798 total reads

Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi lamang sa kagyat na pangangailangan ng kanilang mga kapwa mag-aaral sa rehiyon kundi ng bawat pamilyang lubos na naapektuhan ng Bagyong Kristine sa lalawigan.

“The Bicol Universitarian, the official student publication of Bicol University, tirelessly oversees and reports news before, during, and after the typhoon Kristine. With this, we are conducting a donation drive to strengthen our mantra and commitment of providing genuine student service to our fellow BU students and families in need during this distressing times.” Bahagi ng panawagan ng The Bicol Universitarian.

Pagbabahagi ng The Bicol Universitarian, bukod sa pagtulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng napapanahon at mahahalagang balita at impormasyon ay layunin ng grupo na makatulong sa mga naapektuhan ng sama ng panahon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kanilang mga kagyat na pangangailangan.

Ayon sa grupo, kabilang sa higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, hygiene kits, mga gamot at mga kumot, damit at tuwalya bilang mga kagyat na pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng sama ng panahon.

“The aftermath of the typhoon has caused not only emotional burdens but also financial implications for boarders and dormers facing serious inconveniences. As a publication, we aim to not only deliver real-time news but also provide assistance through the support of everyone seeing this post.” Dagdag pa ng The Bicol Universitarian.

Para sa mga nais tumulong at makibahagi sa donation drive ng ppublikasyon ay maaring makipag-ugnayan sa Official Facebook page nito na The Bicol Universitarian o kaya naman ay maari ding magpadala ng donasyon sa pamamagitan ng GCash ni Mr. John Patrick Juarez sa numero bilang 0935-471-6575.

Samantala una na ring naglabas ng P1.2 milyong piso ang social arm ng Archdiocese of Manila bilang paunang tulong para sa mga diyosesis na lubos na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region.

Bilang kagyat na pagtugon ng Caritas Manila sa mga nasalanta ng bagyo sa rehiyon ay makakatanggap ng tig-P200,000 mula ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Arkidiyosesis ng Caceres at mga Diyosesis ng Libmanan sa Camarines Sur; Diyosesis ng Virac sa Catanduanes; Diyosesis ng Daet sa Camarines Norte; Diyosesis ng Legazpi sa Albay; at Diyosesis ng Sorsogon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 232,015 total reads

 232,015 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,746 total reads

 263,746 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 365,570 total reads

 365,570 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 406,133 total reads

 406,133 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 417,222 total reads

 417,222 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top