Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DSAC ng Simbahang Katolika, nagpahayag ng suporta sa laban ng Diocese of Marbel sa Tampakan mining

SHARE THE TRUTH

 451 total views

Nagkaisa ang lahat ng delegado mula sa 71 diyosesis na dumalo sa 40th National Social Action General Assembly sa kampanya ng Diyosesis ng Marbel laban sa Tampakan Mining.

Ayon sa pahayag ng NASSA/Caritas Philippines sa pangunguna ng National Director at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nabanggit dito ang mga pagsubok na hinaharap ng simbahan at mamamayan upang tuluyang mapigilan ang mga mapaminsalang proyektong lubos na nakakaapekto sa kalikasan at buhay ng mga tao.

“Following the challenges of the encyclical Laudato Si’ and the 2022 CBCP Pastoral Statement on Ecologym, we firmly believe that local actions matter greatly in the fights against climate emergency and planetary crisis,” ayon sa social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Nakikiusap ang simbahan sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato na mas sikapin pang tiyakin at bantayan ang kasagraduhan ng mga likas na yaman ng Tampakan, gayundin ang paggalang sa kalooban at panawagan ng mga apektadong mamamayan.

Ito’y sa halip na baguhin ang provincial environment code na magbibigay ng pahintulot para sa malayang pagpasok ng malalaking kumpanya na nagsasagawa ng pagmimina.

“We encourage and join the people of South Cotabato in demanding for public accountability and in carrying out regular scrutiny of government transactions related in particular to environmental actions,” pahayag ng Caritas Philippines.

Pinuri naman ng Caritas Philippines ang katapangan at taos-pusong paninindigan ng Diyosesis ng Marbel sa pangunguna ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas at social action director Fr. Jerome Millan, para sa pangangalaga sa Tampakan maging ang pagtiyak sa kaligtasan ng B’laan at iba pang katutubong pamayanan ng South Cotabato.

Dalangin ng social arm ng CBCP na mapakinggan ng pamahalaan ang panawagan ng taumbayan na gawin nang ganap na batas ang moratoryo laban sa pagmimina sa bansa at panagutin ang mga sangkot sa mapaminsalang gawain.

Nangako rin ang nasa 243 delegado ng NASAGA na ipagpapatuloy ang pagbuo at pagtataguyod sa mga programa ng simbahan tungo sa pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa.

“We, the members of the assembly from 71 dioceses solemnly adhere to continue building on our respective ecological advocacies and programs, to collectively contribute to the actions of the Catholic Church to protect, preserve, and conserve the natural resources and ecosystems of the country,” ayon sa pahayag.

Ginawa ng Caritas Philippines ang pahayag matapos na pagtuunan ng mga diocesan social action directors ang usapin hinggil sa pangangalaga sa kalikasan partikular na ang suliraning hinaharap ng South Cotabato.

Tema ng ginanap na 40th NASAGA ang “Leave No One Behind” na pangako ng social arm ng simbahan tungo sa pagkakaroon ng maayos na lipunan para sa ikabubuti ng nakararami.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 6,237 total views

 6,237 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 24,969 total views

 24,969 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 41,556 total views

 41,556 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 42,844 total views

 42,844 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 50,295 total views

 50,295 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 1,948 total views

 1,948 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 3,828 total views

 3,828 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 8,610 total views

 8,610 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 10,694 total views

 10,694 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top