Edukasyon: Salik sa Pagkakapantay-pantay sa Lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,131 total reads

Kapanalig, ang edukasyon ay malaking factor o salik sa equality o pagkapantay-pantay ng mga tao sa isang lipunan. Ang edukasyon ay isa sa mga pundasyon ng inklusibong lipunan.

Napakahalaga na komprehensibo ang pagtingin o pananaw ng liderato ng education sektor. Hindi dapat pache-pache  ang pag-atake sa mga problema ng sektor – kailangan makita ang mga sanga sanga at magkakaugnay na isyu nito at komprontahin ang mga problema mula sa ugat.

Marami ng pagbabago ang nilatag ang mga iba ibang administrasyon ng ating bansa. Sa gitna ng transisyon at implementasyon ng K12, marami ang nagulantang sa baba ng ating grado sa Program for International Student Assessment (PISA) ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) noong 2018.

Base sa resulta nito, ang ating mga estudyante ang ang may pinaka-mababang score sa 79 na bansa sa mga subjects na mathematics, science, at reading. Mababa pa sa average ang mga scores ng ating kabataan sa math at science. Mahigit pa sa 80% ng mga estudyante ng ating bayan ang hindi man lang naka-abot sa minimum level of proficiency sa reading.

Kapanalig, ang mga resulta na ito ay sumasalamin sa sitwasyon sa ating lipunan. Ang mababang mga scores sa math, science, at reading comprehension ay makikita rin natin sa mga nilalaman at usapin sa mga posts sa mga social media. Ang mga science-based at fact-based na impormasyon ay ating sinawalang-bahala o hindi natin nauunawaan. Ang mga tsismis at maling impormasyon ay kay daling kumalat.

Kailangan, kapanalig, matutukan ang edukasyon mula kinder pa lamang. Palawakin natin ang access sa edukasyon – kailangan maabot natin ang lahat ng kabataan, lalo pa ngayon kung saan natutulungan na tayo ng teknolohiya. Kailangan din tutukan ang kalidad. Ayon sa isang pag-aaral, ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay nagmumula sa basic education pa lamang. Ang mga inputs natin dito, gaya ng mababang kwalipikasyon ng mga teachers, ay hindi nakakatulong sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon. Kailangan din nating mayakag ang mga pamilya na muling bigyang halaga at prayoridad ang edukasyon.

Tinataguyod ng Pacem in Terris ang karapatan ng lahat sa edukasyon, Ayon nga dito, “Ang natural na batas ay nagbibigay din sa tao ng karapatang makibahagi sa mga benepisyo ng kultura, at karapatan sa isang batayang edukasyon at sa teknikal at propesyonal na pagsasanay.” Kapanalig, ang karapatang ito, kapag ating kinilala at pinahalagahan, ay hindi lamang magtitiyak  ng edukasyon para sa lahat. Ito rin ay makakabuti para sa buong lipunan, at magbibigay sa lahat ng patas na oportunidad upang umunlad at guminhawa ang buhay.

Sumainyo ang Katotohanan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,888 total reads

 15,888 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 79,081 total reads

 79,081 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,869 total reads

 115,869 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 146,590 total reads

 146,590 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 196,306 total reads

 196,306 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 257,905 total reads

 257,905 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Karagatan para kanino?

 79,082 total reads

 79,082 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 115,870 total reads

 115,870 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 146,591 total reads

 146,591 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top