Ekonomiya ng Pilipinas hindi uunlad sa mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,008 total reads

Iginiit ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan na hindi pagmimina ang lulutas sa malaking pagkakautang ng bansa at muling bubuhay sa ekonomiya mula sa epekto ng krisis dulot ng coronavirus pandemic.

Ito ang panawagan ng Arsobispo kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa huling termino nito bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Archbishop Cabantan, outgoing chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Basic Ecclesial Communities, nawa’y pag-isipang mabuti ng Administrasyong Duterte sa huling termino nito ang kaakibat na panganib ng pagmimina sa kalikasan at buhay ng mga tao, sa kabila ng pondong makukuha dito para sa economic recovery ng bansa.

“Itong mining of course, we really understand that we have a really big loss. Also, ang utang ngayon ay lumubog and maybe one of their solutions is also to open our mining. In fact, he has already said that in one of his executive orders, but I think it is just that without any regulations, it might create more destruction of life and to the environment,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Cabantan sa panayam ng Radio Veritas.

Isa sa mga tinutukoy ng Arsobispo ay ang Tampakan Open Pit Mining sa South Cotabato na isa sa mga dahilan ng malawakang pagbaha matapos maganap ang pag-uulan na nagdulot naman ng matinding pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mga nasa malalapit na komunidad.

Pagbabahagi ni Archbishop Cabantan, ang Diocese of Marbel na pinamumunuan ni Bishop Jose Allan Casicas ay mariing tinututulan ang Tampakan mining dahil sa masamang epektong maidudulot nito sa mga kagubatan at kabundukan ng Mindanao.

“Just for instance here in Mindanao, we have more mining areas here and one of the issues right now is in Tampakan, in the Diocese of Marbel with Bishop [Cerilo Allan Casicas].They are really objecting… because it can create a lot more damage, not only to the people but also to the environment,” ayon sa Arsobispo.

Samantala, wala namang naging direktang pahayag si Pangulong Duterte sa kanyang ikaanim at huling SONA hinggil sa usapin ng pagmimina sa bansa.

Ngunit hiniling naman ng pangulo na nawa ang mga susunod na mamumuno sa bansa ay mas maging epektibo at mayroong paninindigan upang maipagtanggol at maipatupad ang mga kaukulang batas para sa pangangalaga sa kalikasan.

“I pray that our next leaders and our future generations will not squander our natural resources and fight for the integrity of our environment, in a manner fiercer and more effective than my administration had ever done,” bahagi ng SONA ni Pangulong Duterte.

Matatandaang nitong Abril ng kasalukuyang taon ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 130, na nagpapahinto sa 9-year moratorium ng pagmimina sa bansa na pinangangambahang higit na magdudulot ng malawakang pinsala sa natural na yaman ng kalikasan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,377 total reads

 13,377 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,520 total reads

 14,520 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,629 total reads

 29,629 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,006 total reads

 67,006 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,276 total reads

 98,276 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,633 total reads

 173,633 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,423 total reads

 266,423 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,164 total reads

 74,164 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top