Election returns ng 2022 national elections, ini-archive ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 546 total views

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang masusing pagsisinop ng mga election returns na kanilang natanggap at nakolekta para sa isinasagawa nitong Unofficial Parallel Count sa resulta ng nakalipas na halalan.

Ayon kay PPCRV Board Trustee Dr. Arwin Serrano na siya ring Director ng Voters Education and Volunteer Mobilization, masusing inaayos at sinisinop ng PPCRV ang lahat ng 4th copy ng election returns na ipinagkatiwala ng Commission on Elections sa pangunahing tagapag-bantay ng Simbahan sa halalan.

Ipinaliwanag ni Serrano na bukod sa archiving ng mga physical election returns na masinop na inilalagay sa mga kahon ay mayroon ding soft copy ang mga ito na inencode naman sa tulong ng mga PPCRV volunteers.

Pagbabahagi ni Serrano, aabot sa 95-kahon ang kakailangan upang mapaglagyan ng tig-isang libong election return mula sa iba’t ibang mga voting precinct noong nakalipas na halalan.

“Dahil sa binigyan kami ng 4th copy ng election returns ng COMELEC sini-safeguard namin ito saka maayos kami sa aming pagre-record, kaya ito bagamat mayroon kaming recording nito both in soft copy, mayroon din kaming recording nito also by a physical copy na nilalagay namin sa mga boxes na kulay green, we will be needing about 95-boxes kasi ang isang box approximately ay mga umaabot ng mga 1,000 – ERs na nakapaloob din sa envelope, yung envelope din na nakuha namin dun din namin siya ilalagay yung amin pong mga narecord sa aming mga natanggap na mga election returns.” pahayag ni Serrano sa panayam sa Radio Veritas.

Ayon kay Serrano, bahagi ng layunin ng masusing pagsisinop at archiving sa mga natanggap at nakolektang election returns ay ang pagbibigay halaga at pagkilala sa pagsusumikap at sakripisyo ng mga PPCRV volunteers.

Batay sa pinakahuling tala, umaabot na sa 99,169 na mga physical election returns ang natatanggap ng PPCRV na katumbas ng 92.01-percent mula sa kabuuang 107,785 na mga clustered precinst sa buong bansa.

Sa kasalukuyan ipanagpapatuloy ng PPCRV ang isinasagawa nitong unofficial parallel count at archiving ng election returns sa PPCRV Command Center Site B na matatagpuan sa Pope Pius XII Catholic Center sa Pandacan, Maynila.

Matatandaang ika-20 ng Mayo, 2022 ng nagtapos ang operasyon ng pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa PPCRV-KBP Command Center sa UST Quadricentennial Pavillion na nagsimula noong araw ng halalan ika-9 ng Mayo, 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 43,131 total views

 43,131 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 49,260 total views

 49,260 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 79,402 total views

 79,402 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 98,930 total views

 98,930 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 117,758 total views

 117,758 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 8,929 total views

 8,929 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 8,812 total views

 8,812 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top