Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Empower ang kabataan sa peace building, panawagan ng CBCP-ECY sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 341 total views

Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa kahandaan at hangarin ng mga kabataan na makilahok sa pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa bansa.

 

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Conegundo Garganta – executive secretary ng komunisyon kaugnay sa katatapos lamang na National Ecumenical Youth Gathering for Peace.

 

Ayon sa Pari, nararapat na mabigyan ng naaangkop na pagkakataon ang mga kabataan na maipakita at maipahayag ang pagnanais  sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa.

 

“Ang mga kabataan ay hangad ang kalayaan. Makikita natin ito sa kanilang pagnanais na marinig ang kanilang tinig, makapag hayag ng kanilang kalooban at mga pananaw. Karaniwan bago o kakaiba ang kanilang mga ideya at mapanghamon.” mensahe ni Fr. Conegundo Garganta sa panayam sa Radio Veritas.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Binigyang diin naman ng Pari na mahalaga ang karanasan ng kapayapaan upang magkakaroon ng puwang ang mga ideya at pananaw ng mga kabataan na maaaring magamit sa ganap na pagkamit ng kapayapaan sa bayan.

 

Paliwanag pa ni Fr. Garganta, hindi dapat madaig ng kaguluhan o anumang negatibong ideyolohiya ang pagnanais ng mga kabataan na makilahok sa mga pamamaraan upang maisulong ang kapayapaan na matagal ng hinahangad ng bawat mamamayan.

 

Giit ng Pari, taglay ng mga kabataan ang dalisay na paniniwala at pagtitiwala sa kaloob at pangakong kaligtasan at kapayapaan ng Panginoon para sa sangkatauhan.

 

“Ngunit upang makamit ang puwang para sa kanila at para na rin sa lahat, may pangangailangan na nararanasan ang kapayapaan upang lumutang ang mga malikhain at nakapagpapanibagong kaalaman at kakayahan na galing sa mga kabataan. Kailangan din huwag madaig ng mga salungat na kalagayan o sitwasyon ang pagnanais ng mga kabataan sa kalayaan upang patuloy sila na maging aktibo sa paglahok na gumawa para sa pagkakamit ng kalayaan. Taglay ang paniniwala at pagmamahal sa Diyos na siyang pinagmumulan ng tunay na kapayapaan.” Dagdag pa ni Fr. Garganta.

 

Ang National Ecumenical Youth Gathering for Peace ay pinangasiwaan ng Kalipunan ng Kristiyanong Kabataan sa Pilipinas (KKKP), Student Christian Movement of the Philippines, National Council of Churches in the Philippines at ng Philippines Ecumenical Peace Platform (PEPP) katuwang ang iba pang mga organisasyon at institusyon na nagsusulong ng kapayapaan sa bansa.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 138,936 total views

 138,936 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 146,711 total views

 146,711 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 154,891 total views

 154,891 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 169,430 total views

 169,430 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 173,373 total views

 173,373 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 3,016 total views

 3,016 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 28,244 total views

 28,244 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 28,929 total views

 28,929 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top