CBCP, nanawagan ng panalangin para sa kapayapaan sa Myanmar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang pakikiisa sa pananalangin para sa kapayapaan ng Myanmar. Sa liham sirkular ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines umapela ito sa mga diyosesis, arkidiyosesis, prelatura at apostolic vicariates sa bansa na mag-alay ng panalangin para sa Myanmar.

Ito ay isasagawa sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos sa Mayo 30, 2021.

“On May 30, next Sunday, the Solemnity of the Most Holy Trinity, and also designated as BEC Sunday, we include in all our Masses in our cathedrals and parishes, a special prayer for the suffering people of Myanmar and in particular, for the Church in Myanmar,” bahagi ng apela ng CBCP.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Noong Pebrero ng taong kasalukuyan nauna nang nagpadala ng liham ang CBCP sa kalipunan ng mga obispo sa Myanmar sa pamamagitan ni Yangon Archbishop Cardinal Charles Maung Bo bilang pakikiisa sa panalangin ng kapayapaan sa bansa na nakaranas ng karahasan dahil sa kudeta.

Noong nakalipas na araw nagpadala ng liham si Cardinal Bo kay Archbishop Valles para sa ‘Extreme Appeal’ kasunod ng marahas na pag-atake sa Sacred Heart Church sa Kayanthayar Eastern Myanmar na ikinasawi ng apat na indibidwal habang marami naman ang nasugatan.

Ayon pa sa liham ni Cardinal Bo mahigit sa 20-libong indibidwal na ang lumikas sa Loikaw para sa kaligtasan ng mamamayan.

Samantala ayon kay Archbishop Valles na mahalaga ang sama-samang pagdarasal upang mahinto na ang karahasan sa naturang lugar lalo’t kasalukuyan ding nahaharap sa krisis na bunsod ng coronavirus pandemic ang buong daigdig.

“Let us beg the Lord for an end to this violence and for all the people concerned to be led towards the forging of peace,” ani Archbishop Valles.

Matatandaang nagsimula ang kaguluhan sa Myanmar noong Pebrero dahil sa resulta ng halalan sa bansa na pinamunuan ng militar ng mahabang panahon.

Sa mahigit tatlong buwang kudeta humigit kumulang 800 indibidwal na ang nasawi habang mahigit tatlong libo naman ang ikinulong kabilang na ang nahalal na pangulo na si Aung San Suu Kyi.

Noong Mayo 16, pinangunahan naman ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Banal na Misa sa Roma para sa kapayapaan ng Myanmar at umapelang pairalin ang pakikipagdayalogo para sa kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 123,190 total reads

 123,190 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 157,868 total reads

 157,868 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,914 total reads

 179,914 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 216,400 total reads

 216,400 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 227,033 total reads

 227,033 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 4,185 total reads

 4,185 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »
Scroll to Top