Pangangailangan ng mga apektado ng COVID 19 pandemic, tinutugunan ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 648 total reads

Patuloy ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission sa pamamahagi ng tulong at suporta sa mga pamilyang apektado ng umiiral na pandemya.

Ito’y sa pamamagitan ng MaLASACkit kindness station na natulungan ang nasa mahigit 500 pamilya o mahigit 2,000 indibidwal mula sa Barangay San Sebastian sa Balete, Batangas.

Pinangunahan ni LASAC Program Facilitator on Healthcare Rev. Mark Ian Abu ang pamamahagi ng tulong at mga sariwang pagkain sa mga pamilya na nagmula sa pinagsama-samang donasyon ng mga Batangueno.

Maliban sa layuning makatulong sa kapwa, sinisikap din ng proyekto na makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic.

Kaya naman hinihikayat ang mga residente na magdala ng mga sariling lalagyan upang maiwasan ang kalat at basura sa kapaligiran.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Samantala, mayroon ding QR Codes ang mga benepisyaryo na naglalaman ng kanilang mga impormasyon upang maayos na maipatupad ang pamamahagi ng tulong at masunod ang minimum health protocols laban sa COVID-19 transmission.

Inilunsad ang Malasakit kindness station noong ika-12 ng Mayo at patuloy na isasagawa sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Batangas tuwing Miyerkules sa loob ng dalawang buwan

Mula nang umiral ang pandemya noong nakalipas na taon, sinimulan ng Caritas Philippines ang mga kindness stations na layong magbigay ng libreng pagkain lalu na sa malalayong lalawigan.

Batay sa huling tala, aabot na sa 300 community pantries ang naitayo sa bansa na nagbigay ng kagyat na ayuda sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 183,047 total reads

 183,047 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 211,917 total reads

 211,917 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 246,038 total reads

 246,038 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 302,443 total reads

 302,443 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 183,149 total reads

 183,149 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top