Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Environmental Advocates, dismayado sa SONA ng Pangulo; Nagbabala sa pagsulong ng pagmimina

SHARE THE TRUTH

 5,613 total views

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mababaw at limitadong pagtugon sa mga usaping pangkalikasan, lalo na sa pagmimina at krisis sa klima.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, bagama’t binanggit ng pangulo ang pagpapasigla ng pamumuhunan sa critical minerals o mga mineral na mahalaga sa clean energy transition at makabagong teknolohiya, wala pa ring malinaw na plano upang maiwasan ang pinsala nito sa kalikasan, kabuhayan, at karapatan ng mga pamayanan at katutubo.

“Deeply disappointed that the environment was not comprehensively covered. Mining was mentioned in the context of asking for more investments in critical minerals, which means more mining projects and more aggressive promotion of mining,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radyo Veritas.

Binatikos din ng ATM ang patuloy na pagsusulong ng pamahalaan sa mga mapaminsalang extractive projects, kahit pa malinaw ang kaugnayan ng malawakang pagmimina sa deforestation, polusyon sa tubig, pagguho ng lupa, pagbaha, at paglala ng climate change.

Iginiit ni Garganera na binibigyang-insentibo pa ng pamahalaan ang mga malalaking kumpanya ng pagmimina sa halip na suriin at pigilan ang operasyon nito.

“Hindi sapat na ‘merong tugon’ ang gobyerno sa panahon ng kalamidad. Dapat may strategic na plano at adjustments sa governance and policies para maiwasan at hindi na maulit ang mga mapait na aral na dala ng mga kalamidad everytime may super typhoons at habagat season,” dagdag pa ni Garganera.

Nanawagan ang ATM sa administrasyon at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na unahin ang pangangalaga sa kagubatan at likas-yaman upang mapababa ang epekto ng landslide, flash floods, at coastal erosion dulot ng pagmimina at quarrying.

Batay sa tala ng DENR-Mines and Geosciences Bureau noong 2024, may humigit-kumulang 50 minahan na kasalukuyang nagpapatakbo, na may higit ₱102 bilyong kontribusyon sa gross domestic product ng bansa.

Gayunman, iginiit ng ATM na maliit lamang ang ambag nito kumpara sa labis na pinsala sa kapaligiran at pamayanan.

“This government clearly has low regard for environment and climate change issues,” giit ni Garganera.

Sa Laudato Si’, inihayag ng yumaong Papa Francisco ang mariing pagtutol hinggil sa industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 4,155 total views

 4,155 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 54,689 total views

 54,689 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 84,749 total views

 84,749 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 98,629 total views

 98,629 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 10,696 total views

 10,696 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 21,527 total views

 21,527 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
Scroll to Top