Environmentalist priest, sumakabilang buhay na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,124 total reads

Pumanaw na sa edad na 75 taong gulang si environmentalist priest, Fr. Pedro “Pete” Montallana, kaninang umaga dahil sa komplikasyon sa kalusugan.

Si Fr. Montallana ay kilala sa pagiging matapang na tagapagtanggol ng kalikasan, mga katutubo, at ng bulubundukin ng Sierra Madre.

Sa pahayag ni Infanta Bishop Bernardino Cortez, hinikayat nito ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ni Fr. Montallana.

“I, together with the Clergy of the Prelature of Infanta, request for your heartfelt prayers for our beloved Rev. Fr. Pedro “Pete” V. Montallana as he enters into life and for his bereaved family,” pahayag ni Bishop Cortez.

Isinabuhay ni Fr. Montallana ang buhay ng patron ng kalikasan, San Francisco ng Assisi, sa pamamagitan ng pagtatanggol sa karapatan ng kalikasan, lalo na ang mga katutubo ng Sierra Madre, na labis na nakakaranas ng mga pang-aabuso dahil sa Kaliwa Dam Project.

Taong 1993 nang magsimulang maglingkod si Fr. Montallana sa mga katutubong Dumagat sa Infanta, Quezon, at opisyal na naging kasapi ng mga pari ng prelatura noong 2022.

“Fr. Pete has lived his life dedicated to the Charism of St. Francis serving the Indigenous People of the Prelature since 1993 and was officially incardinated in 2022,” ayon kay Bishop Cortez.

Si Fr. Montallana ang dating chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance, at anchor-priest ng Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas.

Naglingkod din ang pari bilang co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (dating Association of Major Religious Superiors in the Philippines) mula 1985 hanggang 1989.

Magugunita noong 2020 nang sumailalim sa operasyon si Fr. Montallana dahil sa pamumuo ng dugo sa utak na nagsimula matapos tumaas ang presyon sa pagdalo sa pagdinig ng senado sa kontrobersiyal na Kaliwa Dam project.

Bago pumanaw, si Fr. Montallana ang kasalukuyang Parish Administrator ng Prelature Shrine of St. Joseph sa Polillo, Quezon.

Nakaburol naman ang mga labi ng pari sa Santo Niño Chapel sa St. Mark Cathedral, Infanta, Quezon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 121,713 total reads

 121,713 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 215,740 total reads

 215,740 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 260,010 total reads

 260,010 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 283,118 total reads

 283,118 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 352,599 total reads

 352,599 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,515 total reads

 148,515 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top