Everything is God’s grace. Everything is His gifts.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,334 total views

Ito ang mensahe ni Bishop Ruperto Santos makaraang italaga ng Santo Papa Francisco bilang bagong obispo ng Diocese of Antipolo kasunod ng pagretiro ni Bishop Francisco De Leon.

Ayon sa Obispo, bilang lingkod ng Panginoon at katuwang sa misyon ni Hesus sa sanlibutan ay buong kababaang loob na tinanggap ang panibagong tungkuling pagpapastol sa mahigit tatlong milyong katolikong sakop ng diyosesis.

“God continues to call us. God is always trustful and always confidence in us, no matter how unworthy we are. We just have to respond, give our unconditional yes and God will do the rest,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sa halos apat na dekadang pagiging pari at 13 taong obispo ay pinasalamatan ng obispo ang Panginoon sa patuloy na paggabay upang magampanan ang mga gawaing iniatang bilang pastol sa sambayanan.

Humingi rin ng paumanhin si Bishop Santos sa mga pagkakataong may pagkukulang o may mga nasasaktan sa kanyang pamamahala at iginiit na ito ay bahagi lamang ng kanyang gawaing pagpapastol.

“Please pardon my shortcomings. Forgive me whenever I have hurt or burden. I have no intentions to harm but only to help and to shepherd you all,” ani ng obispo.

May 24 ng hirangin ng Vatican si Bishop Santos bilang ikalimang obispo ng Antipolo makaraang maabot ni Bishop De Leon ang mandatory retirement age na 75 taong gulang batay sa isinasaad sa canon law [Can. 401].

Si Bishop Santos ay naordinahang pari ng Archdiocese of Manila noong September 10, 1983 kung saan ilan sa mga assignment nito ang Immaculate Conception sa Pasig, chaplain ng Pasig Catholic College at kura paroko sa Maybunga.

Kumuha ng licentiate ng history sa Pontifical Gregorian University sa Roma at naging professor ng Church history sa San Carlos Seminary habang naging rector at superior ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma bago italagang obispo ng Balanga noong April 1, 2010.

Hiling ni Bishop Santos sa mananampalataya ang patuloy na pananalangin para sa kanyang bagong misyon sa diyosesis na binubuo ng lalawigan ng Rizal at Marikina City.

“Please help me with your prayers. Remember me always at the altar of our Lord. Intercede me to our Blessed Mother Mary that episcopal ministry be like her: peace, good and full of grace,” saad ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,396 total views

 52,396 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 48,265 total views

 48,265 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,467 total views

 84,467 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,034 total views

 93,034 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 117,943 total views

 117,943 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top