Extension ng termino ng PNP chief, suportado ng mga mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,726 total reads

Sinang-ayunan ng ilang lider ng Mababang Kapulungan ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ng apat na buwan ang termino ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil o hanggang sa Hunyo 2025.

Pinasalamatan din ng mga lider ng Kamara ang pamumuno ni Marbil upang mapigilan ang mga krimen at ang mas makatao at intelligence-driven na kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi nina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chair ng the House Committee on Dangerous Drugs, at Laguna Rep. Dan Fernandez, chair of the House Committee on Public Order and Safety, na ang pagpapalawig ng termino ni Marbil ay mahalaga upang mapanatili ang pinaigting na estratehiya ng pamahalaan sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.

“Gen. Marbil has successfully shifted our anti-drug operations toward a community-driven and intelligence-based approach, ensuring that law enforcement is effective without the unnecessary bloodshed we saw during the previous administration,” ayon kay Barbers.

Pinuri naman ni Fernandez ang pangkalahatang pamamaraan ni Marbil upang mapigilan ang mga krimen at paggamit ng makabagong taktika sa pagpapatupad ng batas.

“His focus on proactive policing, technological integration, and rapid response strategies has resulted in a significant drop in crime rates,” dagdag pa ng mambabatas.

Nakikiisa rin sina Barbers at Fernandez sa iba pang matataas na opisyal ng PNP na sumusuporta sa desisyon ng Pangulo na palawigin ang termino ni Marbil, para sa pagpapatuloy ng reporma sa PNP at matiyak ang kahandaan ng PNP sa paparating na halalan sa Mayo.

Mula ng manungkulan bilang pinuno ng PNP noong Abril 2024, ipinatupad ni Marbil ang ilang pangunahing structural reforms, kabilang na ang pagpapaigting ng anti-criminality operations, mabilis na pagresponde sa mga krimen at mas pinalakas na ugnayan sa pagitan ng mga pulis at mga komunidad.

Isinulong din niya ang mga makabagong estratehiya sa pagpapatupad ng batas, kabilang ang paggamit ng artificial intelligence at magkakaugnay na CCTV systems na mahalaga sa pagresolba at pagpigil ng mga krimen.

Kinilala rin nina Barbers at Fernandez sina NCRPO Chief Brigadier General Anthony Aberin at CIDG Chief Brigadier General Nicolas Torre III sa uri ng kanilang pamumuno.

Si Aberin, na pinamunuan ang NCRPO mula Nobyembre 2024, ay nagpatupad ng “AAA” policing strategy, na nagbunga ng 19.61% na pagbaba sa mga krimen laban against persons and property noong Enero 2025 kumpara sa nakaraang taon.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na disiplina sa pulisya, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pananagutan ay itinuturing na susi sa pagpapatibay ng tiwala ng publiko.

Samantala, sa ilalim nama ng pamumuno ni Torre sa CIDG, nagkaroon ng mahahalagang tagumpay sa pagbuwag ng mga sindikato.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naaresto ng CIDG ang 1,159 na suspek sa mula Nobyembre 2024, kabilang ang 881 pugante na nasa most wanted list ng pulisya.

“The commendable efforts of Generals Aberin and Torre have significantly contributed to our natijon’s safety,” sabi ni Barbers. “Their dedication and effective strategies prove that the PNP is making real progress in keeping the public safe.”

Sabi naman ni Fernandez: “With the leadership of Generals Aberin and Torre, our police force has demonstrated its capability to ensure public safety through effective, professional, and accountable law enforcement.”

Sa pagpapalawig ng termino ni Marbil, ipinahayag ng mga mambabatas at opisyal ng PNP ang kanilang tiwala na lalo pang mapagtitibay ang mga kasalukuyang reporma, lalo na habang naghahanda ang kapulisan para sa eleksyon sa Mayo.

Sa ilalim ng pamumuno ni Marbil, katuwang sina Aberin at Torre, ay inaasahang magpapatuloy sa pagbaba ng bilang ng mga krimen at magtitiyak ang isang mas makabago, epektibo, at community-oriented na PNP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 28,698 total reads

 28,698 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 63,526 total reads

 63,526 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 119,932 total reads

 119,932 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 242,037 total reads

 242,037 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

RCAM, magsasanay ng emergency management

 24,908 total reads

 24,908 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 24,566 total reads

 24,566 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »
Scroll to Top