VeritasPH

The Word, The Truth

Filipino 1st policy, inaasahan ng CBCP-ECMI sa SONA ng pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

 136 total views

Pinuri ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang adminsitrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglutas ng ilang suliranin sa bansa sa nakalipas na tatlong taong pamamahala.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ipinakikita ng kasalukuyang administrasyon ang pagkalinga sa mga Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng pagresolba sa usapin tulad ng tanim-bala sa NAIA, ang paniningil ng 550 terminal fee, ang talamak na pagnanakaw ng mga kawani ng paliparan sa mga bagahe at pangingikil sa mga OFW.

“For us at the CBCP-ECMI, we give credit to the administration because with his [President Duterte] administration our OFWs feel that they are protected, taken care of and appreciated,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Samantala, umaasa naman ang Obispo na unahin ang kapakanan ng mga Filipino sa pag-uulat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sa ika – 22 ng Hulyo.

Binigyang diin ni Bishop Santos na dapat lumikha ang pamahalaan ng mas maraming mga trabaho sa Pilipinas para sa mamamayan upang maiwasan na ang pangingibang bansa na minsang kaakibat ay karahasan ang nararanasan ng iilan.

“The SONA should speak about “Filipino first,” that is to create jobs here so that our countrymen will never be forced to go abroad for works and give priority to our Filipino to work here in our own country,” ani pa ni Bishop Santos.

Batay sa pag-aaral ng IBON Foundation naitala lamang ang 81, 000 nalikhang trabaho ng kasalukuyang administrasyon noong 2017 at 2018 dahilan upang mas maraming Filipino ang piniling magtrabaho sa ibayong dagat dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansa.

Sa survey naman ng Pulse Asia lumabas na higit sa 17 porsyento sa mga Filipino ang umaasang talakayin ng pangulo ang kalagayan ng mga manggagawa sa bansa tulad ng usapin ng pasahod at kontraktuwalisasyon habang ang iba naman ay ang tugon sa paggalaw ng presyo sa mga pangunahing bilihin na higit kinakailangan ng mga ordinaryong mamamayan.

Hinimok pa ni Bishop Santos ang pangulo na manindigan para sa bayan at matulungan ang mamamayan na magkaroon ng kabuhayan bilang tugon sa lumalalang kahirapan sa bansa.

“Raise up the flag. Create jobs which are stable and secured, humane and dignified,” dagdag pa ng pinuno ng CBCP-ECMI.

Bukod dito ay umaasa rin ang pinunong pastol ng Balanga na isulong at itaguyod ng pamahalaan ang kapakanan ng bansa at mamamayan laban sa mga banta ng karahasan at kaguluhan.

Kabilang na dito ang paggalang sa karapatang pantao at karapatan sa teritoryong sakop ng Pilipinas tulad ng West Philippine Sea.

“Let our people live safely and at peace, so promote and protect our people and our lands because to protect is to safeguard them from destruction and from death,” giit ng Obispo.

Umaasa ang Obispo na maging mapayapa ang nalalapit na SONA ng Pangulong Duterte at marinig ng mamamayan ang tunay na kalagayan ng bansa at ang kasagutan sa mga hinaharap na suliranin ng lipunan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,267 total views

 6,267 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,253 total views

 22,253 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,298 total views

 30,298 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,378 total views

 35,378 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,084 total views

 41,084 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Housing program ng administrasyong Marcos, popondohan ng Pag-IBIG fund

 45,939 total views

 45,939 total views Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para isulong ang programang pabahay. Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar kasunod ng pag-apruba ng Pag-IBIG Fund sa 12-bilyong pisong pondo para mahigit siyam na libong pabahay ng National Housing Authority.

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagpapaunlad sa coconut at coffee industry, isinusulong ng mga mamumuhunan

 11,692 total views

 11,692 total views Pinaiigting ng grupo ng mamumuhunan ang pagtulong sa coconut at coffee industry ng bansa. Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng distribusyon ng Kaffea at Chocolea sa Amerika upang maabot ang mga Pilipino sa ibayong dagat. Ito ang paraan ng Starkaffea Corporation para tulungan ang mga magsasaka lalo sa Mindanao na mapataas ang kanilang

Read More »
Economics
Norman Dequia

PAG-IBIG, nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon

 11,775 total views

 11,775 total views Iniulat ng Pag-IBIG Fund na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya mula sa mga programang pautang. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nakolekto ng ahensya ang P31.97 billion mula sa home loan sa unang limang buwan ng 2023 mas mataas ng mahigit

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants, tiniyak ni Tulfo

 11,532 total views

 11,532 total views Nangako si Senator Raffy Tulfo na paigtingin ang pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants. Ito ang mensahe ng Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers sa kanyang pagbisita sa mga OFW sa Dubai kasabay ng pagdiriwag ng Migrant Workers’ Day. Partikular ni tinukoy ni Tulfo ang shelter para sa mga Pilipinong nakararanas ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

16-bilyong piso, na-avail na cash loans ng PAG-IBIG members sa 1st quarter ng taong 2023

 11,667 total views

 11,667 total views Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang natulungan sa programa ng institusyon sa unang bahagi ng 2023. Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar halos 16 na bilyong piso ang naipamahagi ng ahensya sa mga miyembrong nag-avail ng cash

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

 11,199 total views

 11,199 total views Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa. “Sa kalagayan

Read More »
Economics
Norman Dequia

Bureau of Immigration, naghihigpit laban sa human trafficking

 13,039 total views

 13,039 total views Nilinaw ng Bureau of Immigration na karaniwang dokumento sa pagbiyahe abroad ang kinakailangang dalhin at ipakita sa immigration officer. Ito ang pahayag ni B.I Spokesperson Dana Sandoval sa Radio Veritas kaugnay sa maraming reklamo laban sa immigration officers sa mga paliparan na dahilan ng pagkaantala ng mga pasahero. Ayon kay Sandoval pinaiigting ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Locally-made jeepney, giit ng transport sector

 12,326 total views

 12,326 total views Nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na sang-ayon ito sa jeepney modernization ngunit dapat hindi ito mag-aangkat sa mga dayuhang bansa. Ayon kay PISTON National President Mody Floranda sa halip na mag-angkat ng mga bagong jeep dapat suportahan ng pamahalaan ang mga gumagawa sa Pilipinas para makatulong

Read More »
Economics
Norman Dequia

Mataas na presyo ng agricultural products, isinisi ni Senator Binay sa administrasyong Marcos

 10,947 total views

 10,947 total views Inihayag ni Senator Nancy Binay na may pagkukulang ang pamahalaan kaya’t nagkakaroon ng suliranin sa agricultural products bawat taon. Ito ang binigyang-diin ng mambabatas sa pagdinig sa senado nitong January 16 sa labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa. Ayon kay Binay paulit-ulit ang nangyayaring suliraning kinakaharap ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 12,078 total views

 12,078 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika – 42 anibersaryo ng Pag-IBIG Fund. Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na makatutulong ito sa paglunsad ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

38-bilyong pisong kita, inulat ng PAG-IBIG Fund

 11,266 total views

 11,266 total views Malugod na iniulat ng Pag-IBIG Fund ang mataas na kita sa unang sampung buwan ng 2022 na umabot sa 38.06 billion pesos. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ipinakikita nito ang tiwala ng mga Pilipino sa institusyon upang pangasiwaan ang salapi na

Read More »
Economics
Norman Dequia

3-bilyong piso, ibinigay na tulong ng PAG-IBIG sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

 10,017 total views

 10,017 total views Naglaan ng tatlong bilyong pisong pondo ang Pag-IBIG Fund para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ito ay inisyal na pondo pa lamang para sa agarang pagtugon sa mamamayan lalo na sa Ilocos Region,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Paggamit ng Coconut sugar, isinulong ng local business

 10,271 total views

 10,271 total views Bilang pagkilala at tulong sa mga magsasaka sa bansa, inilunsad ng small-medium enterprise ang produktong gumagamit ang asukal mula sa niyog. Ayon kay Starkaffea CEO Cheng Pabilonia ng Starkaffea Corporation ang Chocolea ay gumagamit ng ‘coconut sugar’ bilang pampatamis na hinahango mula sa coconut farmers sa buong Pilipinas. Bukod sa makakabuti sa kalusugan,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Maganda at epektibong public transportation, tugon sa hindi mapigilang oil price hike

 9,963 total views

 9,963 total views Isinusulong ng transport advocates ang pagpapaganda sa pampublikong transportasyon sa bansa bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay AltMobility PH Executive Director Ira Cruz, naniniwala itong mabawasan ang paggamit ng sasakyan ng mamamayan kung may maayos at maginhawang public transportation lalo na sa

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pinakamalaking halaga ng ‘dividendo’ sa magkasunod na taon, naitala ng Pag-IBIG Fund

 10,079 total views

 10,079 total views Inanunsyo ng Pag-IBIG Fund ang pamamahagi ng dividendo sa mga kasaping miyembro ng institusyon. Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario ito na ang pinakamataas na dividendo sa kasaysayan ng institusyon na mapakinabangan ng mga miyembro. “I’m happy to announce once again that

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top