Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Filipino Bishops, nakiisa sa Filipino community sa Rome

SHARE THE TRUTH

 2,759 total views

Ikinalugod ng mga Pilipino sa Italya ang pagdalaw ng mga opisyal ng simbahan sa Pilipinas sa kanilang komunidad.

Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, nagdiwang ng banal na Misa sa Sentro Filippino Chaplaincy sa Roma noong October 8 sina CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.

Sinabi ni Fr. Gaston na siya ring National Coordinator of Filipino Chaplains in Italy na makabuluhan ang pagdalaw ng mga obispo sapagkat ipinakikita nito ang pakikiisa at pagmamalasakit sa mga Pilipinong mananampalataya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

“Their celebrations show the closeness of the Church to our Filipino migrants all over the world,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Kinilala ng pari ang tungkulin ng mga migrante sa pagpapalago ng pananampalatayang kristiyano bilang mga misyonero sa mga komunidad na kanilang kinabibilangan.

“Much has already been achieved, in that our OFW’s have been helping give life to the Church wherever they are; though this is still a work in progress, and much can still be done,” ani Fr. Gaston.

Kasalukuyang pinamunuan ni Scalabrinian missionary Fr. Ronan Ayag ang Sentro Filippino Chaplaincy na nangangalaga sa Filipino migrants sa Roma.

Samantala tiniyak din ni Bishop David na tutulungan ang komunidad sa pakikipag-ugnayan sa Italian Bishop Conference para sa natatanging programa ng chaplaincy na makatutulong mapalago ang samahan ng Filipino-Italians.

Ito rin ay bunsod sa suliraning ibinahagi ni Ryan Asinas ang pangulo ng Sentro Filippino Pastoral Council sa paglunsad ng Youth Camp para sa Filipino-Italian youths na layuning maipakilala ang kulturang Pilipino lalo’t magkakaiba ang tradisyon at kultura sa Italya gayundin upang mabuksan ang kamalayan ng kabataan sa kanilang tungkulin sa simbahang katolika.

Kasalukuyang nasa Roma sina Bishop David kasama sina Bishop Vergara, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Dr. Estella Padilla para sa 16th Ordinary Assembly of the Synod of Bishops na magtatapos sa October 29.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 107,618 total views

 107,618 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 115,393 total views

 115,393 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 123,573 total views

 123,573 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 138,559 total views

 138,559 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 142,502 total views

 142,502 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top