Filipino missionary priest sa Thailand, hinirang na pinuno ng OMI-Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 940 total reads

September 18, 2020-1:30pm

Nagpaabot ng pagbati at panalangin si Jolo Bishop Charlie Inzon, OMI sa bagong talagang Provincial Superior ng Missionary Oblates of Mary Immaculate in the Philippines na si Rev. Fr. Gerry de los Reyes, OMI.

Ayon kay Bishop Inzon nawa ay gabayan ng Panginoon si Fr. delos Reyes upang mapamunuan ang religious congregation ng buong katapangan at sigla lalu na sa patuloy na krisis na kinahaharap ng lahat mula sa COVID-19 pandemic.

Ipinapanalangin rin ng Obispo na nawa ay makapaghatid rin ng bagong pag-asa para sa buong kongregasyon ang pagkakaroon ng bagong provincial superior ng OMI Philippines.

“Congratulations to Fr. Gerry. I pray that he leads with hope and courage that come from the Lord,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Inzon sa Radio Veritas.

Ang missionary priest na si Fr. de los Reyes ay matagal na nadistino sa Thailand at nagsilbi rin bilang Thai-Laos Delegation Superior bago naitalaga sa pamunuan ang Missionary Oblates of Mary Immaculate in the Philippines.

Si Fr. de los Reyes ang hahalili kay Jolo Bishop Charlie Inzon na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco upang magsilbing pinunong pastol ng Apostolic Vicariate of Jolo noong Abril ng kasalukuyang taon.

Ipinanganak sa Cotabato City noong August 14, 1964, pumasok sa Oblates Juniorate Seminary si Fr. de los Reyes taong 1983.

Taong 1988 nagtapos ng Philosophy si Fr. de los Reyes sa Notre Dame University at nagtapos naman ng Theology sa Loyola School of Theology kung saan Abril taong 1993 ng siya ay maordinahan bilang pari.

Nagsilbi si Fr. de los Reyes bilang Parochial Vicar ng Our Lady of Grace Parish sa Grace Park, Caloocan City noong taong 1996.

Naglingkod din si Fr. de los Reyes bilang foreign missionary noong 1998 bago maitalaga bilang miyembro ng Thailand Delegation taong 1999 hanggang maging Thai-Laos Delegation Superior.

Pamumunuan ni Fr. De los Reyes ang OMI Philippines sa loob ng tatlong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 189,736 total reads

 189,736 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 260,248 total reads

 260,248 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 293,697 total reads

 293,697 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 328,997 total reads

 328,997 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 547,857 total reads

 547,857 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top