Filipino songwriters at composers, inaanyayahan sa liturgical songwriting competition

SHARE THE TRUTH

 6,070 total views

Inaanyayahan ng media arm ng Philippine Province of the Society of Jesus ang mga Filipino composers at songwriters na makilahok sa liturgical songwriting competition bilang pagpupugay sa Ama ng Musikang Pangliturhiya ng Pilipino.

Ito ang Purihi’t Pasalamatan: The Fr. Eduardo Hontiveros, SJ National Liturgical Music Songwriting Competition ng Jesuit Music Ministry (JMM), ang music division ng Jesuit Communications Foundation (JesCom).

Ayon kay JMM Director Lester Mendiola, layunin ng paligsahan na ipalaganap ang pagkamalikhain at pagtutulungan habang pinangangalagaan ang diwa ng pananampalatayang Pilipino.

Paliwanag ni Mendiola na hinihikayat nito ang bagong henerasyon ng mga kompositor upang lumikha ng “original liturgical music” sa iba’t ibang diyalekto, na mag-uugnay sa pagitan ng pananampalataya at kultura.

“With this competition, we would like to encourage composers to create original liturgical songs in the vernacular, promote Filipino sacred music as a significant part of worship and cultural heritage, and foster collaboration among composers, musicians, and choirs to enrich the liturgical music community,” ayon kay Mendiola.

Samantala, binigyang-diin ni JesCom Executive Director Fr. Nono Alfonso, SJ, ang napakahalagang kontribusyon ni Fr. Hontiveros, na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

Ayon kay Fr. Alfonso, kasunod ng panawagan ng Second Vatican Council para sa liturgical inculturation o pag-aangkop ng liturhiya sa kultura, sinimulang likhain ni Fr. Hontiveros ang mga awitin para sa Misa sa Tagalog.

Kabilang sa kanyang tanyag na mga komposisyon ang Pananagutan, Ama Namin, Magnificat, at Papuri sa Diyos—mga awiting naging pundasyon ng pananampalatayang Pilipino.

“When you sing, you pray to God twice…So, with Fr. Hontiveros creating many music in the native tongue, ‘yung mga Pinoy, parang nakakausap niya na ang Diyos… So, what he [Fr. Hontiveros] has done was very revolutionary,” ayon kay Fr. Alfonso.

Samantala, bukas ang paligsahan sa lahat ng Filipino composers at songwriters, kung saan ang tema ng mga awitin ay dapat nakabatay sa “Catholic Social Teachings of the Church”.

Ang mga magwawagi ay maaaring makatanggap ng ₱100,000 para sa first prize, ₱50,000 para sa second prize, at ₱30,000 para sa third prize, habang ang lahat naman ng finalists ay makatatanggap ng tig-₱10,000 bawat isa.

Itinakda naman ang deadline ng song entries sa April 19, 2025, at iaanunsyo ang finalists sa June 20, 2025.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Jesuit Music Ministry facebook page (facebook.com/jesuitmusicministry) o ang Jesuit Communications website (jescom.ph).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 23,920 total views

 23,920 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 34,925 total views

 34,925 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 42,730 total views

 42,730 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,372 total views

 59,372 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,168 total views

 75,168 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top