Financial capital, gamitin sa paglilingkod sa mamamayan-Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,411 total reads

Ipinanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang maayos na pamamahala ng bawat bansa sa usaping pinansyal. Ito ang mensahe ng Santo Papa para sa prayer intensiyon ngayong Mayo.

Binigyang diin ng punong pastol ng simbahang katolika na ang pananalapi ay nararapat gamitin sa paglilingkod sa nasasakupan at sa kabutihang panlahat.

“Finance is a tool of service, a tool to serve people and to take care of the common home,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Kinilala ng santo papa ang kahalagahan ng pananalapi sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng isang bansa na dapat gamitin sa wastong pamamaraan upang mapakinabangan ng bawat mamamayan lalo’t higit ang labis nangangailangan.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Sinabi ng Santo Papa na ang kawalang sapat na pamamahala sa pananalapi ay lubhang mapanganib partikular na sa mahihirap na sektor ng pamayanan.

“Finance, if not regulated, becomes pure speculation animated by monetary policies. This situation is unsustainable. It’s dangerous; to prevent the poor from paying the consequences again, financial speculation must be strictly regulated,” dagdag pa ni Pope Francis.

Sa Pilipinas ayon sa datos ng Bureau of Treasury umabot na sa 10.77-trilyong piso ang utang ng bansa nitong Marso 2021. Mas mataas ito ng 33.2-percent kumpara sa 8.47-trilyong piso noong 2020.

Paliwanag ng kawanihan na ang paglaki ng utang Pilipinas ay bunsod ng pinaigting na Build Build Build program ng gobyerno at ang pagtugon sa coronavirus pandemic.

Dalangin ni Pope Francis ang maayos na pamamahala sa pananalapi upang mabigyang proteksyon ang mamamayan.

“We pray for finance leaders to work with governments to regulate financial markets and protect citizens in danger; We still have time to start a process of global change to put into practice a different, more just, inclusive, sustainable economy that leaves no one behind,” ani Pope Francis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 66,300 total reads

 66,300 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 162,109 total reads

 162,109 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 206,377 total reads

 206,377 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 229,486 total reads

 229,486 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 301,628 total reads

 301,628 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top