Fisher group, duda sa kakayahan ni Pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,221 total views

Duda ang samahan ng mga mangingisda sa pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matutugunan ang kagutuman sa bansa.

Ayon kay Fernando Hicap, national chairperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya o PAMALAKAYA, walang matatag na programa ang bansa para lutasin ang kahirapan at kagutuman.

Sinabi pa ni Hicap na sa loob ng isang taong panunungkulan bilang Pangulo, nanatili pa rin ang mapanirang dredging reclamation lalo na sa Manila na nakaapekto sa mga pangisdaan.

“Kung dito sa Manila Bay, dahil dito sa dredging reclamation 80% ng total na production bago mag-reclamation and dredging sa Manila Bay ang nawala sa mga mangingisda natin kaya karamihan sa mga mangingisda natin ay dumadayo na at syempre kapag nagdayo ‘yan mataas yung gastos at ang pinakamasakit at hindi talaga katanggap tanggap, sinira nito yung ating ecosystem.” ayon kay Hicap.

Giit pa ni Hicap na ayon din sa natanggap nilang ulat, may 70 porsiyento ng mga mangingisda sa West Philippine Sea ang nawalan ng kita simula 2021.

Binigyan diin pa ng Pamalakaya na ang tunay na konsepto ng food security ay hindi sa pamamagitan ng pag-aangkat ng produkto sa ibayong dagat kundi ang pagkakaroon ng sapat na ani ng mga lokal na mangingisda at magsasaka.

Dagdag pa ni Hicap, “Kapag meron na tayong food supply, domino effect ‘yan kung mapapababa natin ‘yung produksyon, gastos natin sa produksyon bababa din yung (presyon ng) pagkain sa ating bayan.”

Giit pa ng grupo, wala ding tugon ang administrasyong Marcos laban sa Chinese Commercial Fishing Vessel at pagtuloy na pananakot sa mga mangingisdang Filipino ng mga Chinese.

Una na ring nanawagan ang simbahan lalo na ang Caritas Philippines ng pagbibigay tuon ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa nang hindi na kailangan ang umangkat sa ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 26,118 total views

 26,118 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 52,769 total views

 52,769 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 147,827 total views

 147,827 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 169,382 total views

 169,382 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 182,667 total views

 182,667 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top