Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,484 total reads

Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards.

Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga naulila ng extra-judicial killings dulot ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng ‘Bukas Palad Award’ ay partikular na kinikilala ng Ateneo de Manila University ang pagtatatag ni Fr. Villanueva ng St. Arnold Janssen Kalinga Center para kalingain at muling bigyang dangal ang mga palaboy upang muling mabigyan ng pag-asa at pagkakataong makapagsimula muli sa buhay.

“Villanueva was one of the few who courageously spoke out against the extrajudicial killings that accompanied the government’s campaign. A former drug user, Villanueva knew that hope was not lost. He established the Arnold Janssen Kalinga Center in Manila, a holistic center for people experiencing homelessness. Named after the saint who founded his order, the center strives to help people experiencing poverty and the wounded regain a sense of self.” Bahagi ng pahayag ng Ateneo de Manila University kaugnay ng 2024 Traditional University Awards.

Binibigyang pagkilala din Ateneo de Manila University ang katapangan at determinasyon ni Fr. Villanueva na matulungan ang mga kaanak ng mga biktima ng EJK kung saan sa kabila ng anumang banta at panggigipit ng nakalipas na administrasyon ay buong determinasyong inilunsad ng Pari ang Program Paghilom noong 2016.

“When the drug war targeted beneficiaries of the center, Villanueva took it upon himself to ensure that their widows and orphans were cared for— demonstrating his deep spirit of compassion. But the government accused him, along with other Church leaders, of sedition and conspiring to undermine the government. But this did not stop him. Instead, he started Program Paghilom, an integrated, holistic center that helps widows and orphans of drug-related killings rebuild their lives.” Dagdag pa ng Ateneo de Manila University.

Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pangunguna ni Fr. Villanueva upang magkaloob ng tulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga palaboy sa lansangan ng Maynila.

Taong 2016 naman ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang Program Paghilom upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng administrasyong Duterte.

Bilang higit na pagpapaigting sa misyon ng Program Paghilom para sa mga naulila ng mga biktima ng EJK ay pinangunahan din ng Arnold Janssen Kalinga Center ang pagtatayo ng kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom – Himalayan ng mga Biktima ng EJK’ sa La Loma Cemetery sa Caloocan kung saan aabot sa 400 na mga urns ng mga biktima ng EJK ang maaring ihimlay.

Si Fr. Villanueva ay isa lamang sa pitong mga personalidad na gagawaran ng pagkilala sa 2024 Traditional University Awards ng Ateneo de Manila University na nakatakda sa ika-6 ng Nobyembre, 2024 ganap na alas-tres ng hapon sa Hyundai Hall ng Areté, Ateneo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 10,709 total reads

 10,709 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 60,484 total reads

 60,484 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 82,685 total reads

 82,685 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 119,181 total reads

 119,181 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 339,276 total reads

 339,276 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top