Free Mental health counseling project, handog ng health ministry ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 940 total views

Mahalagang bigyang tuon ng simbahan at pamahalaan ang kalusugan ng mamamayan hindi lamang dulot ng Covid-19 pandemic kundi maging ang kaakibat ng sakit sa mental health.

Ayon kay Camilian Fr. Dan Cancino, executive-secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Health Care Ministry, isinusulong ng simbahan ang community-based mental health program.

Layunin ng programa ayon sa pari na pagtuunan ang kalagayan ng mga tao lalo’t higit ang mga nakakaranas ng pagkalumbay at pagkabalisa dulot ng iba’t ibang krisis sa lipunan.

“Ang CBCP-Episcopal Commission on Health po ay isa ito sa priority project niya at program para magpalaganap ng community-based mental health program in partnership with other institutions like the Philippine Mental Health Association at may mga iba’t ibang mga diyosesis, mga parokya na talaga namang may mga wellness program na sila,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ibinahagi rin ni Fr. Cancino ang libreng serbisyo ng St. Camillus Center for Listening upang kalingain ang mga nakakaranas ng mental health issues sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, online, at face-to-face counseling.

Hinimok naman ng pari ang mga humaharap sa mga pagsubok na huwag mangamba dahil marami ang nakahandang tumulong upang muling makamtan ang liwanag at kagaanan ng buhay.

“Isa lang ang talagang susi. Maging bukas, huwag kayong matakot at umabot; at sabihing kailangan ko ng tulong,” ayon kay Fr. Cancino.

Batay sa National Center for Mental Health, umaabot sa halos 2,000 ang natanggap na suicide-related calls ng institusyon noong 2021.

Habang ayon naman sa Philippine Statistics Authority na noong 2020, hindi bababa sa higit 4,000 katao sa bansa ang namatay dahil sa pagpapatiwakal.

Sa mga nais sumailalim sa counseling, bisitahin lamang ang facebook page ng St. Camillus Center for Humanization in Health o tawagan ang mga numerong 0917-554-7836 o 0917-5 LISTEN o sa landline 8-426-1966.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 29,379 total views

 29,379 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 59,602 total views

 59,602 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 86,253 total views

 86,253 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 181,226 total views

 181,226 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 200,487 total views

 200,487 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top