Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba, mensahe ng Banal na Santatlo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,013 total reads

Hinimok ng obispo ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mamamayan na magbuklod sa pag-ibig at isantabi ang hindi pagkakasundo at pagkakaiba.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo ninanais ng Panginoon na magbuklod ang mananampalataya tulad ng Banal na Santatlo.

Paliwanag ng obispo na maisasakatuparan ang pagkakaisa sa tulong ng pag-ibig ng Diyos kung mamamayani sa puso ng mamamayan.

“Ang pairalin natin ay hindi ang ating pagkakaiba, kundi ang ating pag-iibigan. Malalampasan ng ating pag-ibig na walang iba kundi ang pag-ibig ng Diyos, kahit anuman ang ating pagkakaiba,” mensahe ni Bishop Pabillo.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa pagdiriwang ng simbahan sa Dakilang Kapistahan ng Banal na Santatlo.

Tinuran din ni Bishop Pabillo ang hidwaan sa nakalipas na halalan dahil sa magkakaibang kandidatong sinuportahan na nagdulot ng pagkakahati-hati sa pamayanan.

“Pero ang pagkakaisa sa pag-ibig ay hindi nagbabalewala sa ating pagkakaiba. Hindi nawala ang ating individualities. Nandiyan pa rin ang pagkakaiba natin at ang mga ito ay hindi naghihiwalay sa atin bagkus nagpapatingkad pa sa ating pagkakaisa,” giit ni Bishop Pabillo.

Ang Holy Trinity Sunday ay ipinagdiriwang ng simbahang katolika isang linggo makaraan ang Linggo ng Pentekostes bilang pagkilala sa iisang Diyos sa tatlong persona ang Ama, Anak at Espiritu Santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,633 total reads

 14,633 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,746 total reads

 95,746 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,971 total reads

 189,971 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 250,461 total reads

 250,461 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,606 total reads

 263,606 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,799 total reads

 35,799 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top