Gawing prayoridad ang dignidad ng manggagawa, paalala ni Cardinal Tagle sa mga negosyante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Sinasalamin ng pagtrato ng mga mayayaman at mamumuhunan sa mga manggagawa ang estado ng katarungang panlipunan at uri ng sambayanan na mayroon ang isang bansa.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples kaugnay sa naaangkop na pagbibigay dignidad at halaga sa mga manggagawa na malaki ang ambag para sa paglago ng negosyo at pangkabuuang ekonomiya ng bansa.

Ipinaalala ng Cardinal na mahalaga ang pagninilay at pagsusuri ng bawat isa sa paraan ng pakikitungo at pakikisalamuha sa kapwa hindi lamang bilang kasapi ng Simbahan kundi bilang bahagi ng lipunan.

“You [rich people] live in luxury and pleasure and you forget the needs of others, you promote your group, your interest, your profit and you failed to see how the spirit wants to uplift the dignity of others. So this has implications on social justice and the type of society that we have, so examination of conscience talaga whether inside the church or our behavior in society.” Ang bahagi ng pagninilay ni Cardinal Luis Antonio Tagle.

Ayon sa Cardinal mahalagang pagnilayan lalo na ng mga mayayamang mamumuhunan ang paalala ni St. James na pagtrato ng patas at naaangkop sa mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat na sahod o kita katumbas ng kanilang paggawa upang mabuhay ng may dignidad ang kanilang pamilya.

“St. James reminds the rich the wealthy especially those who have people who worked for them, how to look at them, do you look at your workers as brothers and sisters, do you look at them as human beings with dignity, do you look at them as brothers and sisters in Christ, why do you withhold their rightful, their just wages.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Kaugnay nito, batay sa panlipunang katuruan ng Simbahan, sinasabing ang pag-unlad sa ekonomiya ng bansa ay ang pag-alwan ng buhay ng mga mahihirap at pagtiyak sa panlipunang katarungan at benepisyo ng pantay-pantay upang lumiit ang pagitan ng mahirap at mayaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,127 total reads

 37,127 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,398 total reads

 68,398 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,988 total reads

 145,988 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,216 total reads

 240,216 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,314 total reads

 299,314 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,780 total reads

 22,780 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top