Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa “Day of Prayer, Fasting and Penance”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 662 total reads

Inaanyayahan ng Diyosesis ng Tarlac ang mananampalataya sa isasagawang ‘Day of Prayer, Fasting and Penance’ sa pangunguna ni Bishop Enrique Macaraeg.

Layunin ng gawain ang sama-samang magpapakumbabang pagdulog sa Diyos upang hingin ang habag at awa at tuluyang mawakasan ang coronavirus pandemic.

“As your pastor and shepherd, I ask you that we be united as God’s family on October 1, 2021, First Friday of the month and the Memorial of St. Therese of the Child Jesus to Pray, Fast and do Penance for the forgiveness of sins and for the end of this pandemic,” bahagi ng pahayag ni Bishop Macaraeg.

Tinuran ng obispo ang sinabi ng Panginoon sa banal na kasulatan na diringgin at pagagalingin nito ang sinumang lumuluhod at magbalik loob sa Diyos.

Pangungunahan ni Bishop Macaraeg ang Prayer of Exorcism sa San Sebastian Cathedral ganap na alas nuwebe ng umaga.

Isasagawa rin ang pagtatanod sa Banal na Sakramento at pag-aalay ng banal na misa bilang ito ay First Friday ng buwan ng Oktubre.

Hinimok din ng obispo ang mananampalataya na mag-ayuno kung saan susundin lamang ang alintuntunin ng pag-aayuno tuwing Ash Wednesday at Good Friday.

Magkakaroon din ng pangungumpisal, pagkakawanggawa sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Hinikayat din ni Bishop Macaraeg ang lahat ng mag-alay ng panahon sa pananalangin lalo ng Banal na rosaryo sapagkat ito rin ang simula ng buwan ng rosaryo.

“There is no need to gather as a multitude to pray. Let our homes, parishes, small communities be the focal point of prayer and penance,” ani Bishop Macaraeg.

Suportado naman ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City ang hakbang ng diyosesis kaya’t hinimok nito ang mamamayan na makiisa sa gawain maging ang iba ang pananampalataya.

Sa datos ng Department of Health umabot na sa 2.5 milyon ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kung saan sa Tarlac nasa 15 libo ang kabuuang kaso subalit 163 lamang ang active cases.

Unang isinagawa ng Archdiocese of Manila ang ‘Day of Prayer, Fasting ang Penitential Walk’ noong June 1 sa pangunguna ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo kasama ang mga pastol ng simbahan ng arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,113 total reads

 37,113 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,384 total reads

 68,384 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,974 total reads

 145,974 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,202 total reads

 240,202 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,301 total reads

 299,301 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top