VeritasPH

The Word, The Truth

Giyera laban sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

 156 total views

Mga Kapanalig, dahil sa blind item ng pinakamataas na pinuno ng ating bayan, lumutang ang mga haka-haka kung sino ang kumakandidato sa pagkapangulo ang gumagamit ng cocaine. Gamit ang podium na may sagisag ng pangulo ng Pilipinas, sinabi ni Presidente Duterte na may isang mayamang kandidatong mahinang lider na nga, paglalarawan pa niya, gumagamit pa ng mamahaling cocaine.

Maliban sa nakadidismaya ang pagpapakalat ng malisyosong impormasyon ni Pangulong Duterte, mas nakadidismaya ang paliwanag niya kung bakit nananatiling malaya pa rin ang kandidatong pinaratangan niyang gumagamit ng droga. Alam naman natin kung gaano ipinagmamalaki ng pangulo at ng kanyang masusugid na tagasuporta ang marahas na war on drugs ng administrasyon. Napatunayan daw ng pangulong tunay na malulutas ang problema natin sa droga sa pamamagitan ng kamay na bakal.

Pero bakit nga raw malaya pa ang kandidatong inakusahan niyang gumagamit ng cocaine? Paliwanag ng pangulo, ang mga mayayamang gumagamit ng droga ay nasa kanilang mga yate o pribadong eroplano. Doon nila ginagawa ang kanilang mga bisyo kaya hindi nahuhuli ng mga pulis. Anong masasabi mo rito, Kapanalig?

Ano kaya ang mararamdaman ng mga may anak o magulang na walang kalaban-labang pinatay ng mga pulis o mga vigilante dahil sa pinaghihinalaan silang sangkot sa droga? Ano kaya ang mararamdaman ng mga puwersahang hinuli ng mga pulis at inilagay sa masikip na kulungan dahil sa napakaliit na halaga ng droga? Ano kaya ang mararamdaman ng mga nasa mahihirap na komunidad na nabalot ng takot dahil sa agresibong pagsugod ng mga pulis? Kung ganito ang paliwanag ng pangulo kung bakit ang mga mayayamang gumagamit ng droga ay hindi basta-basta hinuhuli, iisipin siguro ng mga mahihirap na target ng war on drugs ng administrasyon na sana ay naging mayaman din sila. Estado sa buhay naman pala ang batayan kung sinu-sino ang huhulihin at hindi, sino ang mabubuhay at sino ang papatayin.

Kung inyong matatandaan, naging laman din ng mga balita ang anak ng isang prominenteng business tycoon na na-dismiss ang kasong drug posession. Cocaine din ang natagpuan sa kanyang kuwarto kung saan natagpuang patay ang kanyang kasintahan. Hinuli ng mga pulis ang lalaki ngunit iniutos ng korteng palayain siya dahil hindi raw nasunod ng mga pulis ang tamang paraan ng pagmamarka at pagtitipon ng nakumpiskang droga.

Malinaw na malinaw: ang giyera laban sa droga ay giyera laban sa mahihirap. Sa mahigit anim na libong napatay sa mga operasyon ng mga pulis, hindi kakaunti ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad. Hindi pa rito kasama ang mga biktimang pinatay ng mga hindi pa nakikilalang suspek, na ang ilan ay sinasabing konektado rin sa mga pulis. Tinatayang nasa 27,000 hanggang 30,000 ang mga biktimang ito.

Hindi natin sinasabing dapat ding patayin ang mga mayayamang gumagamit ng droga. Mayaman o mahirap, lahat ay may dignidad at sagradong buhay na dapat igalang at pakaingatan. Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, binigyang-diin ni Pope John XXIII na bagamat ang pangunahing layunin ng pamahalaan ay ang pagkamit sa kabutihang panlahat, hinihiling ng prinsipyo ng katarungang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mahihirap. Ito ay dahil salat sila sa kakayanang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at igiit ang mga nararapat para sa kanila bilang mga mamamayan. At wika nga sa Mateo 25:40, ang anumang ginagawa natin sa mahihirap ay para na rin nating ginagawa kay Hesus.

Mga Kapanalig, sa giyera ng pamahalaan kontra droga, hindi na nga nabibigyan ang mahihirap ng pagkakataong maipagtanggol ang sarili, sila pa ang pinakamabilis na pinapatay. Sa giyerang ito, dehadong-dehado ang mahihirap, at ito ay isyu ng kawalang-katarungang mas nagpapaigting ng ating mga suliranin bilang isang bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,808 total views

 2,808 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,794 total views

 18,794 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,839 total views

 26,839 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,919 total views

 31,919 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,625 total views

 37,625 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 2,809 total views

 2,809 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 18,795 total views

 18,795 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 26,840 total views

 26,840 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 31,920 total views

 31,920 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,626 total views

 37,626 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,271 total views

 44,271 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,196 total views

 41,196 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,510 total views

 55,510 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,200 total views

 59,200 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,803 total views

 57,803 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,790 total views

 67,790 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,758 total views

 71,758 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,645 total views

 82,645 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,084 total views

 95,084 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,842 total views

 105,842 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top