Hamon sa bawat mamamayan ang pagiging bayani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 990 total views

August 31, 2020

Isang malaking hamon sa bawat mamamayan ng Pilipinas ang pagiging bayani.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at executive director ng Caritas Manila, bawat isa sa atin ay tinatawagan na maging banal at bayani bilang mga kristiyano.

“Salamat sa National Heroes Day na tayo po ay hinahamon na ipakita at palabasin ang kadakilaan ng bawat isa. Ang kadakilaan sa mata ng Diyos ay nasa paglilingkod. The more we serve, the more we become great for God and for one another,” ayon kay Fr. Pascual.

Ito ay sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa at mabuhay ng hindi lamang para sa sarili.

“BAYANI ang hamon sa bawat isa sa atin. Ito’y simbolo ng isang tao na iniisip niya ang kapwa niya at hindi ang kanyang sarili. Bilang Pilipino, ito din ang hamon sa atin. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Ang mahalaga iyong mindfulness na tayo ay nabubuhay hindi para sa ating sarili, kung hindi para sa kapwa,” ayon kay Fr. Pascual.

Ipinaalala ng pari na mahalaga sa araw-araw na ating pamumuhay ay dalhin ang ating krus at sundan ang gawi ng Panginoon.

Iginiit ng pari na ang pinakamataas na uri ng pagmamahal ay paglilingkod na isang bahagi ng paglago ng sarili.

Kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day, isang misa naman ang ginanap sa San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong na pinangunahan ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo.

Ang misa ay inialay at pagpupugay sa mga frontliner na mula sa sector ng medical, security at services na may temang ‘Pagpaparangal at pagdarasal para sa mga Frontliners.’

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,712 total views

 43,712 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,581 total views

 39,581 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,783 total views

 75,783 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,577 total views

 84,577 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,173 total views

 110,173 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top