Hamon sa Suplay ng Tubig sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 1,761 total views

Ang tubig ay isa sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng bawat mamamayan. Basic need ito, kapanalig. Pero kahit ulan ng ulan ngayon at napapalibutan tayo ng katawang tubig, ang kakulangan sa suplay ng tubig ay isang isyu na kinakaharap ng bansa, hindi lamang dahil nagbabanta ang El Nino, kundi dahil marami pang ibang hamon sa water supply ng bayan.

Isa sa mga pangunahing hamon sa suplay ng ating tubig ay ang maling pamamahala at pag-gamit nito. Marami pang bahagi ng ating bansa ang labis na umaasa sa groundwater o tubig mula sa ilalim ng lupa. Habang dumadami ang taong gumagamit nito, maaring maubos ito at maging sanhi pa ng erosion at sink holes.

Ang kawalan din ng maayos na imprastraktura para sa maayos na pamamahala at pag-ipon ng tubig ay isa pang hamon na dapat nating tugunan. Ayon nga sa National Water Resources Board, tinatayang mga 11 milyong Filipino ang walang access sa malinis at ligtas na tubig. Ang laking impact nito, kapanalig, sa buhay natin. Ang kawalan ng malinis na tubig ay nagdudulot ng sakit, gaya ng diarrhea, cholera, at leptospirosis.

Ang kalinisan ng tubig sa ating bayan ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan. Lahat tayo ay nakataya dito. Marami sa ating kababayan ang hindi pa mulat sa kanilang bahagi sa pagiging marumi ng ating mga katawang tubig. Sa halip na mabawasan, mas lalo pang dumami ang basura natin sa katubigan, kaya nga’t tayo na ang isa sa nangunguna sa buong mundo pagdating sa plastic pollution sa mga karagatan.

Ang suplay ng tubig sa Pilipinas ay isang mahalagang isyu na dapat pagtuunan ng seryosong pansin ng bawat mamamayan at ng gobyerno. Sa ngayon, ang ating naririnig lagi mula sa pamahalaan ay ang paghahanda ng mamamayan para sa El Nino, ang pagtitipid ng paggamit sa tubig- pero ano kaya naman ang mga proyekto ng gobyerno upang proactive naman, at hindi lamang reactive ang ating kilos ukol sa kakulangan ng water supply, hindi lamang ngayon, kundi sa hinaharap? Agarang aksyon ang kailangan dito. Ano ba ang immediate at long-term water management plant ng ating bayan?

Kapanalig, tanong sa atin ng Laudato Si, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: Anong uri ng mundo ang iiwan natin sa susunod na henerasyon? Malalim ang tanong na ito, at dapat nating pagnilayan. Sa ating konteksto ngayon, may maiiwan pa ba tayong malinis na tubig sa susunod na henerasyon? Sana naman, meron kapanalig.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,549 total views

 9,549 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,213 total views

 42,213 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,359 total views

 47,359 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,543 total views

 89,543 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 105,057 total views

 105,057 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,675 total views

 3,675 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,550 total views

 9,550 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,214 total views

 42,214 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,360 total views

 47,360 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,544 total views

 89,544 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 105,058 total views

 105,058 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 115,208 total views

 115,208 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 124,317 total views

 124,317 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 108,481 total views

 108,481 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 127,586 total views

 127,586 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 134,240 total views

 134,240 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Scroll to Top