Healing mass, handog ng Radio Veritas sa mga nababalisa sa COVID-19.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 660 total reads

March 11, 2020, 1:45PM

Inaanyayahan ni Healing Priest Reverend Father Joey Faller ng Kamay ni Hesus ang mananampalataya na makiisa sa gaganaping healing mass sa chapel ng Radio Veritas sa ika – 16 ng Marso araw ng Lunes.

Inihayag ni Father Faller na mahalaga ang sama-samang panalangin ng mananampalataya upang malupig ang lumaganap na corona virus na malaking banta sa kalusugan ng mamamayan.

“Mga Kapanalig kayo po ay aking inaanyayahan sa isang healing mass po dito sa Radio Veritas sa Lunes po yan March 16; at damhim natin ang pagpapala at kagalingang ipagkakaloob ng Diyos,” imbitasyon ni Fr. Faller.

Ayon sa Pari, sa bisa ng panuntunang inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ipinagbabawal ang paghahawak kamay, ginagawa nito ang pagkukrus sa noo at pagpapahid ng langis sa kaniyang healing session taliwas sa nakaugaliang hinahawakan ang mga kamay habang nanalangin ito.

Paliwanag ni Fr. Faller bagamat mabilis at bahagyang iniba ang paraan ng pag-pray over, hindi naman ito nakababawas sa pagkakataong maranasan ng tao ang kagalingang inaasam – asam.

“It’s not the time we spent, not the quantity of time but the quality of time and your faith in God that matters alot,” giit ni Fr. Faller.

Ibinahagi pa ni Fr. Faller na mas dumami ang mga debotong nagtutungo sa Kamay ni Hesus at dumadalo sa mga healing masses na patunay na ang mga simbahan ay kanlungan ng mga humuhiling ng kaligtasan at kagalingan.

Hamon ng healing priest sa bawat isa ang pagtutulungan sa pagsugpo ng virus na nakaapekto sa mahigit isandaang libong mamamayan sa mundo at ikinasawi ng halos apat na libong indibidwal na karamihan mula sa China kung saan nagsimula ang COVID 19.

Sa mga hindi makadalo sa healing mass sa Radio Veritas sa Lunes, alas dose ng tanghali ay hinimok ni Fr. Faller ang pakikinig sa veritas 846 at manuod sa Facebook live streaming upang maabot at madama ang biyaya ng Diyos gamit ang media.

“Kung hindi po kayo makarating sa Veritas chapel physically, magtune-in lang po sa Radyo Veritas 846, at sa pamamagitan ng radyo sana’y gamitin tayo ng Panginoon kasama ang inyong lingkod lalo’t higit ang inyong pananampalataya para anumang karamdaman mapagaling ng Panginoong Diyos,” saad ni Fr. Faller.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,821 total reads

 15,821 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,922 total reads

 52,922 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,192 total reads

 279,192 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,659 total reads

 172,659 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,897 total reads

 265,897 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top