Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan”

SHARE THE TRUTH

 428 total views

Mga Kapanalig, gumagana raw ang sistemang pangkatarungan o justice system sa ating bansa.  

Iyan ang dahilan kung bakit pinaninindigan ng ating gobyernong hindi makipagtulungan sa International Criminal Court (o ICC) sa imbestigasyon nito sa malawakang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng giyera kontra droga ng dating administrasyong Duterte. “Competent, capable and running” daw ang kasalukuyang sistemang pangkatarungan natin, minsang iginiit ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. Kaya raw ng ating gobyernong gawaran ng katarungan ang mga kababayan nating biktima ng extrajudicial killings (o EJK) at panagutin ang mga sangkot sa mga ito. Maniniwala tayo sa mga sinambit na ito ni Secretary Remulla kung hindi lamang iisang kaso ng EJK ang naresolba; ito ay ang kaso ng pagpatay sa binatilyong si Kian Delos Santos.  

Bago matapos ang buwan ng Hulyo, isang kontrobersyal na kaso ang naresolba, at sa itinakbo ng kasong ito, kukuwestiyunin talaga ang sinasabing gumagana ang sistemang pangkatarungan sa ating bansa.  

Pinawalang-sala ng korte sa kasong illegal possession of firearms and explosives ang aktibistang si Reina Mae Nasino at dalawa pang kasamahan. Kung inyong matatandaan, kasama si Reina Mae sa mga hinuli ng mga pulis sa opisina ng grupong Bayan sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 2019. Ni-raid ng mga pulis ang opisina bilang bahagi ng kampanya ng kapulisang lipulin ang mga itinuturing na kalaban ng gobyerno at sinasabing kasapi ng mga makakaliwang grupo. Pinabulaanan ng mga hinuli ang inaakusa sa kanilang mga kaso, at iginiit nilang itinanim ang mga ebidensyang sinasabing nasabat ng mga pulis. 

Hindi alam ni Reina Mae na nagdadalantao siya noong siya ay hinuli at ikinulong. Ipinanganak niya ang kanyang munting anghel, na pinangalanan niyang River, habang nakakulong at sa kasagsagan ng pandemya. Matapos ang dalawang linggo, napilitan siyang ipaubaya sa kanyang ina ang sanggol. Salat sa kalinga ng ina at sa benepisyo ng pagpapasuso, naging mahina ang bata at kalaunan ay namatay dahil sa pneumonia. Tatlong taóng gulang na sana si Baby River noong Hulyo. Hindi pinahintulutan ng korte si Reina Mae na makita at makapiling ang kanyang anak. Kahit sa huling sandali, sa araw ng libing noong Oktubre 2020, tanging mga daliri lamang ng nakaposas niyang mga kamay ang nakadampi sa munting kabaong. Pinagkaitan si Reina Mae na maging ina sa kanyang anak. 

Matapos makapagbayad ng bahagi ng tinatawag na surety bond noong Disyembre 2022, pansamantalang pinalaya si Reina Mae. Kasunod ito ng pagsasabi ng korteng mahina ang mga ebidensya laban sa kanya at kanyang mga kasamang inaresto. At kamakailan nga, tuluyan na siyang pinawalang-sala. Masayang balita ito para kay Reina Mae, ngunit sa kalbaryong pinagdaanan niya habang ipinaglalaban ang katotohanan at hinahanap ang katarungan, may kapaitan ang tagumpay na ito. Ito ba ang patunay na gumagana ang sistemang pangkatarungan sa ating bansa? 

Nakukulong at nagdurusa sa piitan ang mga mahihirap at karaniwang mamamayan katulad ni Reina Mae habang ang mga makapangyarihan at maimpluwensyang napatunayan nang nagkasala sa batas ay malaya. Kung kaanak ng mga nasa poder ang nahuling gumagawa ng krimen, hindi na dumadaan ang kanilang kaso sa korte. Kung malalaking tao ang sangkot sa katiwalian, hindi sila kailanman nakahahawak ng rehas. Anong sistemang pangkatarungan ito? 

Mga Kapanalig, ang katarungan, bilang isang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan, ay dapat nakatuon sa kabutihang panlahat o common good. Samakatuwid, bulag ito sa katayuan sa buhay ng mga nais nating papanagutin sa kanilang pagkakamali, ngunit nakabatay pa rin dapat ito sa katotohanan. Malaking tanong kung tunay nga bang gumagana ang ating justice system dahil gaya nga ng paalala sa Mga Kawikaan 28:5, “Hindi alam ng masama kung ano ang katarungan.” 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,211 total views

 3,211 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,184 total views

 9,184 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,939 total views

 14,939 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,202 total views

 22,202 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,187 total views

 30,187 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 3,212 total views

 3,212 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 9,185 total views

 9,185 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,940 total views

 14,940 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 22,204 total views

 22,203 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 30,189 total views

 30,188 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,243 total views

 35,243 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,247 total views

 47,247 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,289 total views

 55,289 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,846 total views

 46,846 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,271 total views

 45,271 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,057 total views

 47,057 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,982 total views

 43,982 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,296 total views

 58,296 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,986 total views

 61,986 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,589 total views

 60,589 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top