11,838 total views
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Press Officer Atty. Clarissa Castro sa naging ni Davao City Mayor Sebastian Duterte na walang utang ng loob si President Ferdinand Marcos Jr. sa pagpapakulong sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity sa The Hague,Netherlands.
Ayon kay Castro, taong 2016 nang ihayag ng noo’y senador pa lamang na si Marcos Jr. ang pasasalamat at pagtanaw ng utang ng loob sa pamilya Duterte sa pagpapalibing sa labi ng kanyang amang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. , sa Libingan ng mga Bayani.
“Pero ang pagtanaw ng utang ng loob ay hindi dapat madiskaril at hindi dapat magtraydor sa batas at sa hustisya,” ayon kay Castro.
Sa kabila nito sinabi ni Castro ang pagpapalibing kay Marcos Sr., ay naayon rin sa batas (RA 289) na pinagtibay pa ng Presidential Proclamation 208 ng dating Pangulong Marcos, at sinusugan din ng regulasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) G 161-373 na nagsasabing kabilang ang Pangulo o Commander.-in-Chief na may karapatan na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.
Sinabi naman sa turo ng Simbahan ang kahalagahan ng utang na loob, subalit hindi dapat maging hadlang sa katarungan, lalo na kung ito ay ginagamit upang protektahan ang maling gawain ng isang tao.
Ipinapaalala ng Simbahan na ang tunay na pananampalataya ay hindi dapat magbulag-bulagan sa katiwalian o maling gawain dahil lamang sa utang na loob.