VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi lamang si CJ Sereno ang inaatake

SHARE THE TRUTH

 180 total views

Mga Kapanalig, noong isang linggo, sa botong 38-2, nagpasya ang Committee on Justice sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na iakyat ang kanilang report at ang articles of impeachment sa plenaryo sa paniniwalang may probable cause o dahilan upang patalsikin sa puwesto si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Kung susuportahan ng 1/3 ng mga kongresista ang committee report at ang articles of impeachment, sasampa ang impeachment case sa Senado.

Hindi pa riyan natatapos ang mga hamon sa pinakaunang babaeng Punong Mahistrado ng Pilipinas. Naghain din si Solicitor General Jose Calida ng quo warranto sa Korte Suprema upang kwestyunin ang kwalipikasyon ni CJ Sereno. Kung uusad ang petisyon sa Korte Suprema at mapatutunayang hindi kwalipikado si CJ Sereno, maaari pong mapawalang bisa ang kanyang appointment. May isang grupo naman ng mga abogadong nanawagan ding magbitiw na sa puwesto ang Punong Mahistrado bago pa raw tuluyang masira ang Kataas-taasang Hukuman. Sa pagsasabay-sabay ng mga umaatake kay CJ Sereno, may mga nagsasabing tila sistematiko at pinagtutulungan ng iba’t ibang pwersa ang pagpapatalsik sa kanya. Sa kabila nito, nanindigan si CJ Sereno na hindi siya magpapatinag.

Maliban sa kakainin ng impeachment trial ang oras ng ating mga mambabatas na para sana sa pagbubuo ng mas mahahalagang batas, nakababahala ang lantarang pag-atake sa hudikatura bilang malayang sangay ng pamahalaan, at sa Korte Suprema bilang isang institusyon. Nakalulungkot na kasama sa mga nagpapahina sa hudikatura ang mga inaasahan nating pangangalagaan ang Korte Suprema.

Mga Kapanalig, mahalagang matatag ang ating mga institusyon, lalo na iyong mga nakapaloob sa pamahalaan, dahil sa pamamagitan ng mga ito, natitiyak na ang naisusulong ay ang kagalingan ng lahat o ang “common good.” Kung mahina ang ating mga institusyon at nagagamit ang mga ito para sa personal na agenda at pagkamkam ng kapangyarihan, interes ng iilan at hindi ang kapakanan ng lahat ang umiiral. Sa kaso ng Korte Suprema, na siyang pinakamataas na tagapagpasya sa ating bayan, mahalagang matatag at malaya ito upang maitaguyod ang demokrasya at pananaig ng batas o rule of law. Ngunit sa itinatakbo ng mga pangyayari, nagiging personalan na ang pag-atake sa Punong Mahistrado at nahahaluan na ng pulitika ang isang prosesong ang dapat na matimbang ay ang matibay na ebidensya at matalinong talakayan. Hindi tuloy maiwasang isiping pagkontrol sa mga institusyon ang pangunahing pakay ng mga nais mapatalsik si CJ Sereno.

At kung ganito nga ang nangyayari, nasasalaula sa diwa ng demokrasya. Gaya nga ng sinabi ni Pope Francis sa isang talakayan tungkol sa demokrasya, “Democracy can be nominal. Every political system, if it’s not cared for and maintained, tends to degrade.” Ibig sabihin, kung hahayaan nating pahinain at sirain ng iilan ang mga institusyong tinutuntungan ng ating sistema ng pamamahala, guguho ang demokrasyang nagbibigay sa lahat ng mamamayang magpasya nang malaya.

Paalala pa ni Pope Francis sa isa pang talumpati, “The future of humanity does not lie solely in the hands of great leaders, the great powers and the elites. It is fundamentally in the hands of peoples and in their ability to organize.” Sa wikang Filipino: nakasasalay ang ating kinabukasan hindi sa mga pinuno, sa mga nasa poder, o sa mga may kakayanan sa buhay, kundi sa ating mga kamay, sa ating kakakayahang kumilos nang sama-sama. Samakatuwid, ang pagtiyak na matatag ang ating mga institusyon at demokrasya ay tungkuling nakaatang hindi lamang sa ating mga lider kundi sa ating mga mamamayan.

Mga Kapanalig, nakalulungkot at nakababahala na ang mga nangyayari sa ating pamahalaan, ngunit huwag tayong panghinaan ng loob. Magbasa, makinig, at sumali sa mga usapan tungkol sa isyung kinakaharap hindi lamang ni CJ Sereno kundi ng buong hudikatura, ng ating mga institusyon, ng ating demokrasya.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 1,361 total views

 1,361 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,897 total views

 8,897 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,883 total views

 24,883 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,928 total views

 32,928 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 38,008 total views

 38,008 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 1,362 total views

 1,362 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,898 total views

 8,898 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,884 total views

 24,884 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,929 total views

 32,929 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 38,009 total views

 38,009 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,943 total views

 42,943 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,729 total views

 44,729 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,654 total views

 41,654 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,968 total views

 55,968 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,658 total views

 59,658 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,261 total views

 58,261 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,248 total views

 68,248 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,216 total views

 72,216 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,103 total views

 83,103 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,542 total views

 95,542 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top