Hindi magbabago ang madilim na kasaysayan ng Martial law-Bishop Bacani

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 915 total reads

Hindi mababago ang madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas mula sa kamay ng dating Pangulong Ferdinand Marcos at ng Martial law sa pamamagitan ng pagbibigay pagkilala sa dating diktador ng pamahalaang Duterte.

Ito ang reaksyon ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay sa pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ng House Bill 7137 o ang panukalang nagdedeklara ng ika-11 Setyembre bilang ‘special non-working holiday’ sa lalawigan ng Ilocos Norte bilang pagkilala kay dating Pangulong Marcos.

Ayon sa Obispo, hindi mababago ng papuri at pagkilala ang katotohanan ng pagiging diktador at mapang-abuso sa kapangyarihan ni dating Pangulong Marcos.

Paliwanag pa ni Bishop Bacani, hindi rin nito mababago o maibabalik ang mga ninakaw ng pamilya Marcos sa kaban ng bayan at ang buhay ng mga nasawi sa ilalim ng Batas Militar.

“They may honor Marcos but that does not change the fact that he was a big thief and oppressor. May God have mercy on him,” ayon sa pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.

Ika-18 ng Nobyembre taong 2016 nang ipatupad din na mailibigng ang dating pangulo Libingan ng mga Bayani 10-araw makalipas na payagan ito ng Korte Suprema o 23 taon makaraang maibalik sa Pilipinas ang mga labi ng dating pangulo nang pumanaw sa Hawaii.

Taong 2017, sa pamamagitan ng Proclamation 310 ay idineklara ni Pangulong Duterte ang ang September 11 bilang special non-working holiday sa Ilocos Norte na kapanganakan ng dating Pangulong Marcos.

Itinuturing na isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang 14-na taong Martial Law na ipinatupad ng dating Pangulong Marcos noong taong 1972 kung saan naitala ang mga paglabag sa karapatang pantao bukod sa malaking halaga na nawala sa kaban ng bayan.

Nagtapos ang rehimeng Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution taong 1986 na nakilala sa iba’t ibang bansa bilang bloodless revolution. Sa ilalim ng Martial Law tinatayang aabot sa higit 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos.

Umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal mula sa buong bansa ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at Rehimeng Marcos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 21,231 total reads

 21,231 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 41,782 total reads

 41,782 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 113,823 total reads

 113,823 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 199,192 total reads

 199,192 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 245,927 total reads

 245,927 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 293,799 total reads

 293,799 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 391,850 total reads

 391,850 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top