Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi sapat ang tapang kontra terorismo

SHARE THE TRUTH

 446 total views

Mga Kapanalig, nagbanta ang Philippine National Police o PNP na biláng na raw ang mga araw ng grupong Abu Sayyaf. Matatandaang noong Martes Santo, inatake ng bandidong grupo ang bayan ng Inabanga sa Bohol, at sa kanilang engkuwentro sa mga pulis at mga sundalo, apat na miyembro ng Abu Sayyaf, tatlong sundalo, at isang pulis ang namatay. May dalawang matandang sibilyan ang nadamay at nasawi sa bakbakan.

Bahagi na ng kasaysayan ng mundo ang karahasan, at ang mukha nito sa kasalukuyang panahon ay ang terorismo. Matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang maraming grupong binuo na may layuning maghasik ng lagim. Mayroong ilang gumagamit ng karahasan upang kumita sa pamamagitan ng pagkidnap, at ganito ang tingin ng ating pamahalaan sa grupong Abu Sayyaf. Mahirap alamin kung ano talaga ang nag-uudyok sa mga terorista para gumawa ng karumal-dumal na gawain, ngunit ang malinaw ay ang pagkapit nila sa karahasang labag sa dangal ng tao at sa kalooban ng Diyos. Hindi kailanman magiging matuwid ang anumang layuning nakasalalay sa dahas. Violence can never be justified.

Nanawagan na ang Diosesis ng Talibon sa Bohol sa mga nasasakupan nito na manatiling mahinahon at mapagmasid, lalo pa’t may mga pinaghahanap pang kasapi ng Abu Sayyaf sa Inabanga. Patuloy daw silang magtiwala sa militar. Kabaligtaran naman ang naging payo ng ating pangulo sa mga taga-Inabanga. Hinimok niya ang mga ito na mag-armas at patayin ang mga bandido kapag makita nila ang mga ito. May isang milyong pabuya rin ang pamahalaan sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf na kanilang madadakip, ngunit mas gusto ng pangulong patay na ang mga ito. Problema pa raw niyang pakainin ang mga ito kung sila ay hahayaan pang mabuhay.

Ilang administrasyon na rin ang nagdaan ngunit nariyan pa rin ang Abu Sayyaf—nangingidnap, nangingikil, at pumapatay ng mga inosente. May isang dating pangulong nagsabing pupulbusin niya ang mga ito. At ngayon nga, mga sibilyan naman ang pinag-aarmas na ng ating pangulo. Sinukuan na ba niya ang kakayahan ng ating mga sundalo’t pulis upang lutasin ang problemang ito? Inutusan niya ang Hukbong Pandagat o Navy na pasabugan ang mga bandido sa karagatan. Hindi rin siya magdadalawang-isip na paulanan ng bomba ang Jolo kung hahantong daw sa puntong malalagay sa alanganin ang katahimikan ng buong bansa.

Hindi kaya’t mas makatutulong kung ang tapang sa salita ay tatapatan ng pagpapahusay ng kakayahan ng Sandatahang Lakas at Pambansang Kapulisan sa pagkalap ng datos at impormasyon tungkol sa mga kilos ng Abu Sayyaf, hindi lamang upang mapigilan ang kanilang masasamang gawain kundi upang matukoy talaga ang pinagmumulan ng kanilang kakayanang maghasik ng lagim? Kailangang tapatan ng mahusay na intelligence at counterterrorism capabilities ang tapang na baka hanggang salita na lang kung walang malinaw at maayos na plano.

Higit sa lahat, ang pagsugpo sa terorismo ay hindi lamang nakasalalay sa ating mga pulis at sundalo. Sa pangmatagalan, kailangan ding tutukan ang mga komunidad upang tugunan ang mga kundisyong nagtutulak sa ilan nating kababayan na kumapit sa patalim at sumali sa mga bandidong grupong gaya ng Abu Sayyaf. Hindi na natin kailangan pagtalunan ang katotohanang umuusbong ang karahasan sa mga lugar na napag-iiwanan ng mga serbisyo at oportunidad upang umunlad sa buhay. Poverty begets violence.

Mga Kapanalig, isama po natin sa ating mga panalangin ang mga tagapangalaga ng kaligtasan at kapayapaan sa ating bayan. Gayundin, huwag nating kalimutang ipagdasal ang mga kapatid nating nabubulag sa terorismo. Gayunman, dapat na malinaw sa atin ang kamalian ng karahasang kanilang ginagawa. Krimen ang terorismo, at walang Kristiyanong dapat ipagtanggol ito. Bagamat hindi natin ipinagsasalwambahala ang banta ng terorismo, mas pagpursigihin dapat ng pamahalaan ang pangmatagalang istratehiyang susupil sa anumang aakit sa sinumang tahakin ang daan ng karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 4,234 total views

 4,234 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 12,334 total views

 12,334 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 30,301 total views

 30,301 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 59,702 total views

 59,702 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 80,279 total views

 80,279 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 4,235 total views

 4,235 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 12,335 total views

 12,335 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 30,302 total views

 30,302 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 59,703 total views

 59,703 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 80,280 total views

 80,280 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 84,867 total views

 84,867 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 95,648 total views

 95,648 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 106,704 total views

 106,704 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 70,566 total views

 70,566 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 58,995 total views

 58,995 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 59,217 total views

 59,217 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 51,919 total views

 51,919 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 87,464 total views

 87,464 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 96,340 total views

 96,340 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 107,418 total views

 107,418 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top