Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Home-based evacuees ng Marawi siege, tutulungan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 298 total views

Mahigit 10-milyong piso na ang tulong ng iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika sa mga bakwits ng Marawi.

Ito ang impormasyon ng Caritas Philippines, matapos ang sunod-sunod na pagtugon na ginagawa ng mga Church insititutions at Dioceses sa bansa sa mga pamilya na napilitang magsilikas dahil sa kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng Caritas Philippines, ang Simbahang Katolika ay nakatulong na sa may 3-libong pamilya o mahigit sa 15 libong indibidwal sa Iligan City kung saan marami sa mga bakwits ang doon nagsilikas.

Nais din ng mga organisasyon na tulungan ang malaking bilang ng mga ‘homebased’ evacuees o mga nanatili sa kanilang mga kaanak o mga bahay sa halip na manirahan sa mga evacuation centers.

“We are targeting the home-based evacuees or those staying in their relatives’ houses because our assessment showed that many were still underserved. The concentration of the responses by other organizations are mostly in the evacuation centers,”paliwanag ni Fr. Gariguez.

Ilan lamang sa mga Diyosesis na nagpadala na ng tulong sa Diocese ng Iligan ay ang Diocese ng Jaro, Lucena, Iba, Alaminos, Antipolo, Bacolod at Apostolic Vicariates ng Bontoc-Lagawe, San Jose at Calapan sa Mindoro.

Kaugnay nito, una nang nagpadala ang Caritas Manila ng 1 Milyong piso na cash asssitance at 100 kaban ng Bigas sa tulong naman ng Diocese of Tagum.

Read: Simbahan, naghatid ng tulong sa Marawi bakwits

Sa datos ng Office of Civil Defense, tinatayang mahigit sa 102 libong Pamilya o mahigit sa 460 libong indibidwal ang nagsilikas dahil sa kaguluhan sa Marawi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Awa at hustisya

 10,021 total views

 10,020 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 49,732 total views

 49,731 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 110,437 total views

 110,436 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 122,823 total views

 122,822 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 145,205 total views

 145,204 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 52,633 total views

 52,633 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 65,926 total views

 65,926 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top